Local News

Hindi dapat Bantaan ang Amerika! Leni, Kinuwestiyon si DU30!

Noong Disyembre 2020, nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ibabasura ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kung hindi maibibigay ng bakuna kontra-covid ang Amerika.

“Pero ito pang vaccine, at what price, what is the brand, kay Galvez ‘yan lahat. So binigay ko ‘yan sa kanya. It means to say that I trust him to get a good bargain for government. Pero sa ngayon, lahat ng vaccine naman talagang nagmamadali.

But do not believe in that s*** about America delivering kaagad. Hindi nga niya ma-deliver doon sa kanilang lugar, dito pa. Itong America ano talaga. Don’t be too… Maniwala kayo. I’ve been with government. I have dealt with them many times.

Ang kanila lang kasi kay iyong Visiting Forces Agreement, matatapos na. Ngayon, ‘pag hindi ako pumayag, aalis talaga sila. Kung hindi sila maka-deliver ng maski na lang a minimum of mga 20 million vaccines, ah they better get out. No vaccine, no stay here.

Loko-loko talaga itong Amerikano. Bigay ka, bigay. Wala na maraming ingay. So they are put on notice that if you cannot produce the vaccine, 20 million at least, immediately… Ah mahirap ka nga diyan mismo in your own — you in your own country,” banat ni Pangulong Duterte.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay agadna kinontra ni Vice President Leni RObredo. Boladas ni Robredo, hindi naman daw tama na magbanta si Pangulong Duterte para sa bakuna.

“Hindi ko alam kung bakit kinakailangang gawin iyon. Hindi naman tayo kailangang magbanta, ‘di ba?.. Kung nasa ayos naman iyong programa natin sa procurement ng vaccine, bakit kailangang may bantaan tayong bansa,” boladas ni Robredo.

Magugunita na nagbabala na noon si Pangulong Duterte na ibabasura niya ang VFA dahil sa pagkansela ng Amerika sa visa ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Source: Manila Bulletin | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén