Local News

‘Hindi Dapat Nag-iikot!’ Isko, Nagpasaring sa mga Politiko!

Bumoladas na naman si Manila Mayor Isko Moreno laban sa kaniyang kapwa politiko. Sa kaniyang putak, sinabi niya na obligasyon ng mga alkalde na manatili sa kani-kanilang lungsod at hindi dapat nag-iikot.

Walang pinangalanan si Isko, pero kamakailan lang ay naging laman ng ilang ulat ang pakikipag-pulong ni Davao City Mayor Sara Duterte sa ilang kilalang politiko sa bansa.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na tila nagpasaring si Isko sa ibang politiko.

Magugunita na nitong umpisa ng 2021 ay nagsalita ito na mas marami pa daw siyang nakikita poster ng politiko kumpara sa b@kun@. Noong panahon na sinabi ito ni Isko ay naglipanan ang mga Run, Sara, Run posters para hikayatin si Mayor Sara na tumakbo sa 2022 presidential elections.

Para sa ilang netizens, si Davao City Sara Duterte ang pinaparinggan daw ni Isko. Narito ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa putak ni Isko.

“hoy isko di gaya si Sara syo.well organize ang city niya.mine ur own backyard.masyado kang mayabang isa kang trydor.plastik ka galing mong magpaikot sa mga tao at mapagkunwari.si Inday ilang taon ng nagpatunay ng mabuting pamumuno gaya ng ama niya.wla ka sa kalingkingan niya”

“Parang iba ang tuno ng musika mo Isko不不不不cge initin mo ang ulo ng Mayor namin talagang tatakbo yang Pangulo dahil sa mga pinagsasabi mo不不不不不不不不不不Go go go Mayor Sara pakita mo sa kanila na kahit babae ka mas nakakalamang kawe supp See More”

“Nakakaingit ba mayor pwedi mo nmn gawin kung gsto basta ba dmo pinababayaan ang trabaho para sa taong bayan dba,wag tayong plastic iba nga dyn ang sho2ting pa ng movie丹潑儭bkit dmo sabihin kay pacman yan senador payon,naghahanap buhay sa ibang bansa tama ba滕滕”

Sa hiwalay na balita, tinanghal na top performing mayor si Mayor Sara ayon sa The Manila Times.

Source: News5 | The Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: