Local News

‘Hindi isyu ang Press Freedom! Ang Prangkisa ng GMA7 at TV5 Na-Renew kahit Kritkal sila sa DU30 Govt!’ – Ret. Journalist

Iba’t-ibang personalidad mula sa politika at showbiz ang nagbibigay ng kanilang opinyon patungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN matapos maghain kahapon si Solicitor General Jose Calida ng “quo warranto” para kanselahin ang prangkisa ng ABS-CBN. Ayon kay SolGen Calida, may natuklasan silang pang-aabuso na ginagawa ng network giant.

“We want to put an end to what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN benefitting a greedy few at the expense of millions of its loyal subscribers. These practices have gone unnoticed or were disregarded for years,” sabi ni Solicitor General Calida.

Dahil sa ginawa ni Solicitor General Calida, hindi napigilan ng ilang kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mag-akusa na kinikitil daw ang pamamahayag sa ating bansa.

Ang boladas na ito ng mga kritiko ng administrasyon ay binutata ng dating mamamahayag na si Jay Sonza.

Ayon kay Sonza, hindi isyu ang kalayaan sa pamamahayag dahil nabigyan ng legislative franchise ang ibang mga networks na kritikal din sa Duterte administration.

“TV5/ESPN5, CignalHD/One News, GMA NewsTV, GMA7 are more critical on the DU30 Presidency and other issues.

I have personally watched these 2 free to air and 1 direct satelliteTV provider, and they mince no words on Mr. Duterte, his alter egos and the policies of the present administration.

Yet, their franchise renewal or extension were attended with dispatch by Congress and signed into law by Pres. Duterte,” sabi ni Sonza.

Paliwanag pa ng dating mamamahayag, hindi tulad ng ABS-CBN, tumupad ang mga nasabing istasyon sa batas kaya napalawig ang prangkisa ng mga ito.

“Why? Because apparently they follow the requisites of the state franchise, and must have not violated the 1987 Constitution and other laws, unlike AbS-CBN.

So, the issue is not about press freedom. Stop playing victim. Sa KORTE kayo magpaliwanag. Don’t us!” dagdag pa ni Sonza.

Source: Jay Sonza.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén