Local News

‘Magkakaroon ng Hustisya!’ Malacañang, Nagsalita na ukol sa Tarlace Shooting Incident!

Kumalat ng husto sa social media ang video clip ng pag-aaway ng magkapit-bahay na nauwi sa pamamaril. Dalawa ang nasawi sa nasabing insidente. Ang suspek ay kinilala na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca. Ang mga biktima naman ay sina 52-anyos na si Sonya Gregorio at ang anak nito na si Frank Anthony Gregorio. Bases amga inisyal na mga ulat ay nag-ugat ang girian ng dalawang panig dahil sa pagpapautok ng boga ni Frank. Matagal ng may alitan ang suspek at ang mga biktima na may kaugnayan sa lupa.

Ayon sa Malacañang, hindi kukunsintihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pulis at titiyakin nila na gugulong ang hustisya para sa mga biktima. Nilinaw din ng palasyo na walang kaugnayan ang insidente ng pamamaril sa katungkulan ng pulis.

“Kinukundena natin ang nangyari diyan sa Tarlac. At lilinawin ko lang na hindi ito service related na double murder. Ito po ay kung hindi tayo nagkakamali ay isang away daw tungkol sa pag posisyon sa lupa. So ang pulis pong iyan ay hindi pwede mag-invoke ng kahit anong depensa na may kinalaman sa kaniyang katungkulan. Ito po ay tatratuhing ordinaryong murder case, iimbestigahan, kakasuhan, lilitisin at papaparusahan natin ang pulis na iyan. No ifs, no buts, magkakaroon po ng katarungan dahil nakita naman natin ang ebidensiya ng pangyayari. Hindi po iyan poprotektahan ng Presidente, kinukondena natin iyan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Naglabas na rin ng pahayag ang pambasang kapulisan sa nangyaring insidente.

“Hindi talaga nararapat ang ginawa ng pulis, lalong-lalo na nasa pangangalaga niya ang isang baril na pwede niyang gamitin supposedlyt laban sa kriminal — pero ginamit niya sa mga inosenteng tao… Bagama’t ito’y isolated case, we will see to it that justice will be served,” sabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana.

Si Nuezca ay sumuko na sa mga alagad ng batas at kasalukuyang nakakulong.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén