Local News

“Hindi ka naawa sa nanay! Hinatid mo na sana ang Bata sa Ina niya” Bato, Niresbakan ang Leftist Congressman

Hindi nakapagpigil si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pahayag ni Bayan Muna Congressman Carlos Zarate na witch hunting umano ang ginagawang pagdinig sa senado patungkol sa mga ‘nawawalang’ kabataan na sumapi sa leftist group na Anakbayan. Ayon pa kay Zarate, dapat daw ay pagtuunan ni Senador Bato ang mga mas importanteng isyu.

“Who is he to dictate me? Diktahan niya ‘yung sa bundok, huag ako. Ayusin mo ang problema ng mga tao sa bundok, huwag ito,” buwelta ni Senador Bato.

Bunuweltahan din ni Bato ang hindi pagdalo ng mga makakaliwang kongresista sa senate hearing.

“Wala silang opinyon. We have been inviting them. Walang sumipot. Baka ang gusto nila sa kalsada lang magsigaw-sigaw. Ayaw nila ng proper forum na ilabas ang kanilang side,” ani Bato.

Hindi rin pinalagpas ni Senador Bato ang ginawang pagpapa-presscon ng Makabayan bloc para pagsalitain ang anak ni Ginang Relissa Lucena.

“If they are responsible enough, I tell you Congressman Zarate, if you are a responsible parent, alam mo umiiyak yung mother. Hindi ka ba naawa sa mother? Tinulungan mo na sana, hinatid mo na ‘yung bata sa mother. Anong klaseng parent ka? Nakita mo ang grabe ng hirap ng parent, tapos ikaw nandiyan pinapa-presscon mo (‘yung bata) sa loob ng congress. As far as the parent is concern, missing (yung bata) dahil hindi niya nakikita. Ngayon na sa harapan mo, kung ikaw isang responsableng congressman, dalhin mo ‘yung bata, ipinakita mo muna sa magulang, pero kung ayaw talaga ng bata at umalis, pabayaan mong umalis. As a responsible congressman, ang dapat na ginawa mo ‘yung hinatid mo yung bata sa grieving mother, at least you have done an amount of kindness,” resbak pa ni Senador Bato.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén