Local News

Hindi na Kailangan ang Face Shield at Mask dahil Mahal Tayo ng Diyos! – Archbishop

Para sa paring katoliko na si Archbishop Emeritus Ramon Arguelles, hindi na raw kailangan ang mga proteksyon at patakaran laban sa covid-19 dahil ang Diyos na raw ang bahala.

“Hindi na kailangan ‘yang mask, hindi na kailangan ‘yang face shield, hindi na kailangan ‘yang social distancing. Bakit? Mahal tayo ng Diyos at mahal natin siya… He is the great healer. ‘Pag ang Diyos nasa atin, you don’t have to worry,” sabi ni Arguelles

Agad naman kinontra ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging pahayag ng alagad ng simbahan. Ayon kay Roque, dapat daw ay pagtuunan na lang ng mga pari ang aspeto ng pananampalataya.

“I hope we stick to our roles in society. Ang mga bishopes po kinakailangan sa pananampalataya lang tao…. Well, i-encourage po natin ang pagsusuot ng face mask kaysa po i-discourage,” banat ni Roque.

Source: Unang Hirit | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén