Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

‘Hindi Kailangan Bigyan ng Emergency Powers si DU30’ – Grace Poe

Matapos ang pagdinig sa senado kaugnay sa ban ng mga provincial bus, naniniwala si Senadora Grace Poe na hindi kailangan bigyan ng emergency powers si pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Huwag nilang iisipin na porke’t may emergency powers ay puwede na nilang gawin ang lahat ng gusto nila dahil mayroon tayong Konstitusyon na sinusunod marahil ang gusto lamang nila ay walang bidding, delikado rin naman ‘yan, so bukas pa din kami diyan. Kung ito ay magiging priority measures ng ating Pangulo, bakit hindi, pero siguro hihilingin natin ang noon pa namin hinihiling sa DOTr ibigay niyo ang inyong priority projects, hindi pwedeng pati pag-create ng LTO offices kasama sa emergency powers,” boladas ni Poe.

Binigay din ni Poe ang rason niya kung bakit hindi daw kailangan bigyan pa ng emergency powers ang Pangulo.

“Nakita mo, ano ba ‘yung mga nagiging problema, ‘yung kawalan ng pang-unawa sa sitwasyon. Pangalawa, ano pa ‘yung mga nagiging problema, ‘yung right-of-way, ang nagiging problema ‘yung TRO ng korte, ‘yun daw ang nagpapabagal sa kanila, implementasyon. Hindi po ‘yan masasakop ng emergency powers, hindi pwedeng pagbawalan ng emergency powers ang korte na magdesisyon sa isang bagay, dahil yan ay nasa Konstitusyon natin, pwede siguro hindi ‘yung lower courts pero nandyan pa din ang Supreme Court,” sabi pa ni Poe.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Poe.

“Madame, I just spent three hours trying to get to work today. Those three hours are gone. Nothing and no one can bring them back. But I wasn’t sitting in traffic alone. There were thousands with me.

Thats thousands of man hours that could have been productively spent.

Siguro naman, nakikita ninyo yng necessity to do something. Wag nyo naman kaming sabihan na di owede emergency powers, pero wala naman kayong solusyon.

We can’t keep doing this. Asar na kami, and that means your political future may no longer be that bright.” sabi ni Atty. Trixie Cruz-Angeles.

“All talk no walk. Walang kwenta to. Waste of taxpayers .
I’m glad you lost the presidency… Would have been a total disaster”
sabi ni J. Palermo.

“If she thought that granting an emergency power isn’t necessary, she should know measures to solve the problems. For sure, she has nothing to say. How many hearings or investigations her committees have had, did she legislate any laws? NADA!” sabi ni W. Lanzon.

Source: Senate | CNN Philippines’ Makoi Popioco | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén