Local News

Panoorin: “Hindi Kailangan Bigyan ng Emergency Powers si Duterte” – Opposition Senator Drilon!

Nitong nakalipas na mga araw ay bumanat si opposition senator Franklin Drilon laban sa “Build. Build. Build.” program ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa senador, palpak daw ang programa.

Dahil sa naging komento n Drilon, nagpanukala si ALbay Representative Joey Salceda na bigyan ng emergency o special powers si Pangulong Duterte upang mapabilis ang mga proyekto.

“Instead of declaring it and pronouncing it as a failure, I think congress is duty bound to give the President everything he needs. Ngayon, sinabi na dismal failure, gawin nating success. Kaya bigyan natin ng special powers (si Pangulong Duterte),” sabi ni Albay Congressman Salceda.

Ang naturang panukala ni Congressman Salceda ay kinontra din ni Drilon.

“Hindi na po kailangan ng emergency [powers], siguro emergency attention ang kailangan, tutok lang (Emergency powers is no longer needed, maybe what’s needed is emergency attention)” sabi ni Senator Drilon.

“Alam mo kasi pag emergency [powers], diskompyado diyan kung ano ang mangyayari. May sapat na pondo, may sapat na reglamento on the ground para po mapabilisan ang trabaho ng mga proyekto (Under emergency powers, the result is uncertain. Enough funds and enough regulations are needed to hasten completion of projects),” dagdag pa ng senador mula sa oposisyon.

Magugunita na tinabla ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pahayag ni Drilon na palpak ang infrastructure projects ng Duterte Administration.

“Ikaw naman parang hindi ka na nasanay sa kabalbalan ni Senador Drilon. Alam mo sabi ko nga kahapon sa MPC (Malacañang Press Corps.), ‘yung administrasyon na iyong pinanggalingan, kahit isang infrastructure ay walang nagawa at naumpisahan,” sabi ni Panelo sa kanyang panayam sa programa ni Erwin Tulfo.

Source: Manila Bulletin | FB | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén