Local News

Hindi kay FLM ang Magarang Bahay at Kotse, ayon sa Imbestigasyon!

Nitong ika-19 ng Mayo ay inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang internet personality at nagpapakilalang bilyonaryo na si Francis Leo Marcos (FLM) o Norman mangusin sa totoong buhay. Ito ay dahil sa paglabag nito sa optometry law.

Ilan pa sa mga kasong kakaharapin ni FLM ay ang inciting to sedition at paglabag sa passport law dahil sa pamemeke daw nito ng dokumento.

“Pinadala na namin yung dokumento sa City Prosecutor’s ng Manila yung sa kaso na inciting to sedition tsaka yun dun sa Anti-Alias Law… Hinihintay na lang namin na papuntahin yung mga agents doon tsaka si Francis Leo Marcos… Ang totoong pangalan niya is Norman Mangusin… What is the truth? At the same time, in [violation of] the passport law, because if you falsified documents in procuring passport under a different name, that is not allowed,” sabi ni NBI-Cyber Crime Division (NBI-CCD) Chief Victor Lorenzo.

Isang official ng Duterte Administration ang nagalak nang masakote si FLM. Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Unersecretary Benny Antiporda, umutang daw sa kanya si FLM ng halagang P250,000 at kung hindi pa raw nita nahuli ay hindi pa magbabayad.

“HULI KA BALBON!!!ANONG MAYAMAN CHALLENGE ANG SINASABI MO? KUNG HINDI PA KITA NAHULI SA METROWALK DI MO BABAYARAN ANG P250K NA UTANG MO SA AKIN. PUNYETS NA CONMAN KA!!!” pagsisiwala ni Usec. Antiporda.

Ilan pa sa mga tinitignan ngayon ng NBI ay ang mga warrant of arrest sa kasong estafa kung saan iniuugnay si Mangusin.

Sa panayam ng broadcaster na si Erwin Tulfo kay NBI-CCD Chief Lorenzo, nabunyag na ang mga magagarang sasakyan, bahay at opisina na ipinapakita ng internet personality sa social media ay hindi raw kay FLM.

Ayon kay Chief Lorenzo, sinubukan daw nilang kausapin si Mangusin tungkol sa mga negosyo nito pero wala raw maipakitang mga dokumento si FLM.

Source: Erwin Tulfo | DENR Usec. Antiporda | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén