Local News

“Hindi Kikiam, Chicken Sausage Iyon” Pekeng Balita ng ABS-CBN at GMA, Niresbakan ng SEA Games Partner Hotel!

Nagsalita na ang pamunuan ng Whitewoods Convention and Leisure Hotel tungkol sa lumabas sa mga balita na “kikiam” ang kanilang inihain sa mga atletang lalahok sa Southeast Asian (SEA) Games.

Sa liham ni Whitewoods President at Chairman of the board Edgardo Capulong kay Philippine Sports Commission chairman at SEAG chief of mission William Ramirez, sinabi nito na ang inihanda nila para sa mga manlalaro ay “chicken sausage” at hindi “kikiam” na iniulat sa ABS-CBN at GMA News.

Ayon sa opisyal ng naturang establisimiyento, dumaan sa food inspection ang kanilang mga inihain para sa mga atleta.

“We have proof of this and the Philippines Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) food audit team in the hotel that are on top of the food inspection during, before and after cooking and during meal time, can attest to the fact that it was not ‘kikiam’,” sabi ni Capulong.

Sa katunayan, wala daw sa kanilang menu ang kikiam at alam din daw ng ibang atleta na chicken sausage ang kinain ng mga ito.

“The other Pinoy athletes also know thay they ate chicken sausage. We never serve kikiam because we do not have it and it is not in our menu… Our food serving is generous because we decided a free and open buffet service complete with egg omelet station that is not part of our contract,” paliwanag pa ni Capulong.

Kinalulungkot din daw nila na ang mga dumiretso agad sa media ang ilang atleta at hindi kinausap ang appointed facilitator.

Source: Daily Tribune | ABS-CBN | GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén