Local News

‘Hindi kita titigilan’ Gen. Parlade, May Buwelta sa Inquirer Reporter!

Hindi nagustuhan ni National Task-Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Lt. General Antonio Parlade ang naging ulat ng Inquirer reporter na si Tetch Torres-Tupas.

Pinuna ni Parlade ang nilalaman ng artikulo ni Tupas na may pinahirapan daw ang militar na mga Aeta. Saad pa sa artikulo ni TUpas na pinakain pa raw ng militar ng dumi ng tao ang mga Aeta para umamin na miyembro ang mga ito ng New People’s Army (NPA). Hindi din daw kinuha ng mamamahayag ang panig ng militar patungkol sa isyu.

“Congratulations for a sloppy work Tetch Torres-Tupas of Inquirer.net. You did not even bother to check the side of the AFP and gov’t if what you are reporting is true or FAKE. Propagandista. No such thing happened. That unit is not even there but in Davao,” buwelta ni Parlade.

Sa hiwalay na post, may mensahe si Parlade sa mamamahayag.

“Hindi kita titigilan Tetch Tupas hanggang hindi mo sinasagot ang tanong ko. Inquirer.net kasama ka sa sasagot nito. Nakakahiya kayo sa mga kasamahan niyo sa media,” banat pa ni Parlade.

Umangal naman ang mga kabaro ni Tupas sa media at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

“While the Office of the Solicitor General has yet to comment on whether Parlade’s previous post should be considered an official government communication, it cannot be denied that it, as well as the Facebook post against Torres-Tupas, are threats directed not only at those questioning the ATA but also at those covering those questioning the controversial law… The government has repeatedly issued reassurances that the law will not be used to stifle dissent or to clamp down on the press. But actions and statements by people like Parlade, who will be tasked with implementing the Anti-Terrorism Law, speak louder than those press statements,” boladas ng NUJP.

Source: GMA News | Inquirer | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén