Local News

‘Hindi ko inaatake si DU30, Katulong niya ako!’ – Pacquiao

Matapos maglabas si Senador Manny Pacquiao ng mga pahayag tungkol sa diumano’y nangyayaring matinding korapsyon sa Duterte Administration, ngayon ay tila humihinahon na ang tono ni Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, hindi niya raw inaatake si Pangulong Duterte at katulong daw siya ng pamahalaan nito upang labanan ang korapsyon. Matatandaang nanawagan si Pacquiao sa kaniyang mga kapartido na wag dumalo sa pagpupulong na nilagdaan ni Pangulong Duterte.

Magugunita na hinamon ni Pangulong Duterte si Pacquiao na maglabas ng pangalan ng mga tiwali sa gobyerno at kung hindi ito magagawa ni Pacquiao ay mangangampaniya ang Presidente sa mga tao na huwag itong iboto.

Source: INQ | SMNI | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: