Local News

‘Hindi ko Pina-STOP si Bagyong Tisoy dahil sa mga Bashers’ – Pastor Quiboloy

Sa kanyang social media account, sinabi ni Kingdom of Jesus Chris Pastor Apollo Quiboloy na hindi niya pinahinto ang bagyong Tisoy dahil sa mga bumabatikos sa kanya.

Aniya, hindi niya alam kung saan siya lulugar sa mga tumutuligsa sa kanya.

“Kasi ‘yung ini-stop ko ‘yung earthquake, nagalit man sila. Binash ako nang napakarami. So baka i-stop ko ‘yung bagyo, baka magalit na naman… Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi ‘pag pina-stop mo, nagagalit. ‘Pag hindi mo pina-stop, nagagalit din,” sabi ni Pastor Quiboloy.

Kahit ganun pa man, sinabi ni Pastor QUiboloy na patuloy pa rin ang gagawin nilang pagtulong sa mga naapektohan ng bagyo.

“Ang hindi ma-stop diyan, ‘yung tulong namin, sa ating mga kababayan. Kasi panata ko ‘yun, sa mga maka-langit,” paliwanag pa ni Pastor Quiboloy.

Magugunita na naging laman ng balita si Pastor Quiboloy nitong mga nagdaang linggo dahil sa sinabi niya na siya ang nagpahinto ng lindol sa Mindanao.

“Noong lumindol ng 6.6 ay naroroon ako sa kuwarto ko. Ang sabi ko ‘lindol stop’, umi-stop! Tapos pangalawa, mga eleven siguro ‘yun. Nandiyan si Ingrid, nagsusulat ako, lumindol, sabi ko, ‘Stop’. Eh di umi-stop… Pasalamat kayo sa akin kasi kung hindi ko pina-stop ‘yun, maraming kayong magigiba at mamamatay kayo,” sabi ni Pastor Quiboloy noong huling bahagi ng Oktubre.

Matatandaang sinabihan ni Vice Ganda si Pator QUiboloy na mayabang at hinamon ito na pahintuin ang sikat na tv series na “Ang Probinsiyano”.

“Nako, kabahan si Cardo! Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. ‘Yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng ‘Ang Probinsyano,’ abangan niyo ‘yan… Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic dun! Iba ka Quiboloy… So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang ‘Probinsyano!’ Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala,” boladas ni Vice Ganda kay Pastor Quiboloy.

Rumesbak naman si Pastor Quiboloy at ipinaalala na baka hindi ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Kailan mo ba gusto ma-stop ang probinsyano? Ikaw, pumili ka. Kailan mo gusto mag-stop? Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan? Apat na buwan? Baka sa apat na buwan ay hindi lang probinsyano ang ma-stop, baka pati ang network mo stop na iyan,” buwelta ni Pastor Quiboloy.

Source: Pastor QUiboloy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén