Local News

“Hindi Komedyante ang Paniniwalaan, Eksperto Dapat!” Roque, Sinupalpal si Vice Ganda!

Kamakailan lang ay may boladas si ABS-CBN host Vice Ganda sa kinakasang vacination program ng DUterte Administration. Sa kaniyang patutsada, ikinumpara nito ang bakuna sa sabong panlaba.

“Sa sabong panlaba nga choosy tayo eh, sa bakuna pa kaya. Ano ito basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!” patutsada ni Vice Ganda.

Hindi naman pinalampas ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kuda ni Vice Ganda. Buwelta ni Roque, mas dapat paniwalaan ang mga eksperto kaysa sa mga komedyante. Hindi rin daw tama na ikumpara ang bakuna sa sabon dahil sa pagkakaiba ng supply ng dalawa.

“Mali namang ikumpara ang bakuna sa sabong panlaba. Wala namang supply na ganung kadami.

Kung hindi pagtitiwalaan ang mga experts, na tatlong batches pa ng experts ang magsasabing pwede nating gamitin iyan, sino ang ating pagkakatiwalaan? Siguro po, hindi mga komedyante,” resbak ni Roque.

Source: One News | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén