Local News

‘Hindi Magiging Babae ang Lalaki! Kahit Anong Gawin niyo!’ – Sotto

Hindi na talaga mapipigilan si Senate President Vicente “Tito” Sotto sa pagkontra sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill. Ayon sa senador, kahit anong gawin ng isang lalaki, hindi ito magiging babae kailanman.

“If you are a man, you will never be a woman no matter what you do,” banat ni Sotto.

Isa pa sa ipinunto ni Sotto ay ang kakayahan ng mga babae na mabuntis at magsilang ng sanggol na hindi magagawa ng mga transwomen.

“Because you cannot reproduce, you cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman,,” paliwanag pa ni Sotto.

Ang pahayag na ito ay sinabi ni Sotto ngayong araw kung kailan ginaganap ang pagdinig sa senado tungkol sa SOGIE bill.

Sinabi rin ni Sotto kamakailan na walang pag-asang pumasa sa senado ang SOGIE Bill.

“Anti-discrimination on persons pwede. Pero focused on gays, which the SOGIE bill is, and religious and academic freedom impeded plus smuggling of same sex marriage? No chance!” sabi ni Sotto.

Ang usapin tungkol sa SOGIE bill at sa mga transwomen ay naging mainit na isyu nitong nakaraang buwan dahil sa insidente umano ng “diskriminasyon” sa transgender na si Gretchen Diez. Magugunita na pinagbawalang gumamit ng female toilet sa isang mall si Diez ng janitress. Kinunan ni Diez ang pagsaway sa kanya ng janitress at ipinost sa social media.

Ayon kay Sotto, mayroon daw silang kopya ng CCTV footage sa nangyari kay Diez. Base daw sa footage, may mga babaeng nagreklamo sa presensiya ni Diez sa palikuran ng babae.

“May pila sa ladies’ room… Paglabas nung isang babae, nagreklamo sa dalawang janitress na may lalaki sa loob. Parang ganun ang sinasabi. Hindi naman nila pinansin kasi wala naman silang nakitang hitsurang lalaki… May isa pang sumunod, tinuro nagturo na sa linya daw hindi raw babae, nakabihis na babae. Nilapitan nung janitress, sinabi sa kanya na huwag na lang dito dahil may nagrereklamo. Itinuro siya dun sa PWD, or doon sa other nila,” kuwento ni Sotto.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén