Local News

Hindi Makakain ng Tao ang White Sand! – COMELEC Commissioner Guanzon

Kung may mga kababayan tayo na suportado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglalagay nito ng white sand sa Manila Bay, mayroon din naman na kontra sa naturang rehabilitation project. At isa na dito ay ang commissioner ng COMELEC na si Rowena Guanzon. Ayon kay opisyal ng COMELEC, hindi naman daw makakain ng mga tao ang white sand.

“The people cannot eat white sand,” boladas ni Guanzon.

Sa hiwalay niya pang social media post, tinawag ni Guanzon na shunga ang naka-isip na lagyan ng white sand ang Manila Bay. Kinuwestiyon din ni Guanzon ang tiyempo ng pagpapatupad sa proyekto.

“Beautification in time of COVID? Sino namang #shunga naka-isip ng white sand in Manila Bay?” patutsada pa ni Guanzon.

Ang proyekto ng DENR ay dinepensahan na ng palasyo. Iginiit din ng ilang opisyal ng Duterte Administration na aprubado na ang pondo sa nasabing proyekto noon pang 2019.

“This plan to put white sand in Manila Bay, it was part of the budget for 2020. This means it was approved in 2019. We could not foresee that there would be a COVID-19 [pandemic]. So alam niyo naman ang rule sa budget, kapag iyan po ay nasa line item, iyan lang po ang pwedeng paggamitan ng pondo… Although it is primarily a beautification project, as a resident of Manila, I’m happy and excited that there will be a beautiful attraction in my city… I’m happy that we will have a beautification of Manila Bay because we from Manila also need access to beautiful beaches in these times where we cannot leave Metro Manila,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Siguro kung pera lang ito na puwede nating i-juggle from one place to another, gagawin po ng gobyerno. But hindi po maaari iyan. Bawal po iyon… Hindi ho ‘yan bagong project. We cannot connect this with the pandemic,” paliwanag naman ni DENR Undersecretary Benny Antiporda

Source: ABS-CBN | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: