Local News

‘Hindi Masamang Tao ang mga NPA’ – Ex-Bayan Muna Congressman

Sa kaniyang pagharap sa senado ukol sa pagdinig sa isyu ng “red-tagging”, tila pinatatanggol pa ni former Bayan Muna Congressman Teddy Casiño ang rebeldeng komunistang New People’s Army (NPA). Nais lang daw ng mga rebeldeng komunista ng pagbabago sa lipunan.

“Hindi ho masasamang tao ang mga ito. Sila po ay kapwa Pilipino na nagnanais ng pagbabago… Sa halip po na kundinahin sila at ang kanilang pakikibaka, hindi ba mas mabuti na pakitunguhan o i-engage natin sila para sa paglutas sa suliranin ng ating bayan… Kaya napaka-importante sa amin ang peace talks…Bakit nga ba nagiging NPA ang ibang aktibista? Ito po ang simpleng sagot: Nasi nilang lunasan ang mga problema at hinaing ng ating mamamayan at marahil hindi na sila nasasapatan sa kayang ibigay ng ksalukuyang sistema,” sabi ni Casiño.

Ang mga pinagsasabi ni Casiño ay baligtad sa nangyayari sa totoong buhay. May ilang ulat kung saan napabalita na nanununog ang mga NPA ng mga heavy equipments ng mga construction companies kapag hindi nakakapagbayad ang mga ito ng revolutionary tax. Nangingkil din daw ang mga komunista sa mga kandidato tuwing panahon ng eleksyon upang payagan makapagsagawa ng kampaniya sa mga rebel-infested na mga lugar. Noong umpisa ng Nobyembre ay binunyag ng former NPA cadre na si Ka Eric na maging ang mga telecommunication companoes ay napipilitang magbayad sa mga rebeldeng komunista upang hindi sirain ang mga cell sites.

Nitong mga nagdaang mga taon ay napaulat din ang ginagawang pananambang ng mga NPA sa sundalo ng gobyerno na tumutulong sa mga kababayan nating biktima ng kalamidad. Ilang kapulisan at kasundaluhan narin ang nasawi dahil sa mga NPA.

May ilang kababaihang miyembro din ng NPA ang nagbalik-loob sa gobyerno upang ilahad ang kahayupang ginagawa ng kanilang mga kumander. Ayon sa mga dating amasona, ginagahasa daw sila ng mga lider ng NPA.

Source: Senate Philippines | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén