Local News

‘Hindi mo Tanggap na Nagtatagumpay ang DU30 Govt!’ Roque, Sinupalpal si Leni!

Rumesak si Presidential Spokesperson Harry Roque sa panibagong boladas ni Vice President Leni Robredo. Magugunita na sinabi ni Robredo na mayabang at bastos ang ilang opsiyal ng pamahalaan.

“Lagi naman. Lagi naman. Kaya tayo nagkakaganito eh, kasi walang acceptance ng kakulangan. Pero sa akin lang, kung kailangang magdepensa, magdepensa, pero ‘yung klase ng pagdedepensa, parang ‘yung nakakalungkot, kasi ito na ba ‘yung klase ng public servants natin?… Para sa akin, hindi naman natin dine-deserve na ‘yung mga public servants natin mga bastos, hindi natin dine-deserve na ubod ng yabang… Pati ‘yung pag-respond sa aking puna ay propaganda pa din. Isipin mo, parang pinapalabas nila bine-blame ko daw ‘yung ating health workers. Baligtad iyon… Ayaw kong patulan, pero ano ba naman iyan?… Yung lahat na datos, nandiyan. Buksan lang ‘yung mata. Buksan lang ‘yung mata, na hanapan ito ng solusyon,” boladas ni Robredo.

Buwelta naman ni Roque, hindi lang daw matanggap ni Robredo na nagtatagumpay ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“I can only quote Winona Ryder. Reality bites. Hindi po matanggap na nagtatagumpay ang gobyerno sa mga programa nito,” hirit ni Roque.

Nag-ugat ang patutsadahan ng dalawnag opisyal nang sabihin ni batikusin ni Robredo ang tugon ng Duterte Administration sa pandemiya. Sa isang pahayag, pinabulaanan ni Roque ang mga kinu-kuda ni Robredo.

“Baka magalit ang World Health Organization dahil sinasabi ninyo nagpapakalat ng propaganda. Hindi po! World Health Organization po ang nagsabi kung nasaan na tayo sa ating COVID response. At ito po ang katotohanan… Bakit namin paniniwalaan ang ibang pag-aaral, eh samantalang lahat tayo nagtitiwala sa World Health Organization sa panahon ng pandemya? Hindi po propaganda ‘yan… At yung ating COVID-19 cases per 1 million population, nasa 134 po tayo–laylayan. At sa case fatality rate, number 72 ang Pilipinas. Hindi po ‘yan propaganda. Katotohanan na dapat tanggapin at pasalamatan ang mga medical frontliners na talaga naman pong ginagawa ang lahat para pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino,” resbak ni Roque.

Source: Tribune | Inquirer | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén