Local News

Hindi namin Kikilalanin ang Meeting Kahit Naroon pa si DU30! – Koko

Para kay Senador Koko Pimentel, imbalido ang gaganaping assembly ng PDP-LABAN kahit na dumalo pa daw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“If the most popular person in the party will attend, a meeting which we have not recognized, it does not change the fact that we still do not recognize that meeting… The violation and the defects from the start are still there,” sabi ni Pimentel.

Ayon kay Pimentel, ang mga aktibidades ng PDP-Laban na papangunahan ng paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi ay paglabag sa konstitusyon ng partido, lalo na at hindi kasama sa agenda si Senador Manny Pacquiao.

“Hindi po kami (we are not) personality-based… Our chairman happens to be the President of the Republic of the Philippines, a very charismatic person with very huge following and very popular, so those are facts about him… Pero pagdating sa partido (But when it comes to the party), when you call for a meeting, you do not keep the party president blind of the details of the event,” dagdag pa ni Pimentel.

Magugunita na sinabi kamakailan ni Pimentel na si Pacquiao ang presidente na kailangan ng Pilipinas..

Source: CNN Philippines | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: