Local News

“Hindi Nararapat ang Titulong ‘IDOL’ sayo” Anak ng Gurong Pinahiya ni Tulfo, RUMESBAK!

Bumuwelta ngayon ang anak ni Ginang Melinda Limjuco, ang gurong inereklamo sa programa ni Raffy Tulfo.

Sa kanyang social media account, naglabas ng hinanaing at sama ng loob si Kyla Limjuco sa nangyari sa kanyang ina matapos itong mai-feature sa palabas ni Tulfo.

Magugunita na pinapili ni Tufo si Ginang Lumjuco na mag-resign sa pagiging guro nito o maharap sa asunto mula sa complainant.

Paliwanag ni Kyla, humingi na ng kapatawaran ang kanyang ina sa mga complainant pero ipinilit pa rin ng mga ito na patanggalan ng lisensiya bilang guro ang kanyang ina.

“UMPISA palang, wala pong itinangging pangyayari. INAMIN ang kamalian kahit wala pang bakas ng CCTV. HUMARAP at NAKIPAG-USAP, HUMINGI NG PASENSYA AT PATAWAD tungkol sa nangyari… PERO ANG SINUKLI ay isa pang KAHIHIYAN at DINAGDAGAN PA NG MGA KUNG ANO-ANO AT WALANG KWENTANG KUWENTO PARA LANG MAPASAMA ANG IMAHE NG ISANG TAO?,” paliwanag ni Kyla.

Binanatan din ni Kyla si TUlfo at sinabing hindi nararapat sa broadcaster na tawaging “idol” dahil sa hatol na ginawa nito sa kanyang ina at pagpanig ng News5 Anchor sa kabilang kampo.

“Maging ang iniIDOLo PO NG NAKARARAMI NA SI RAFFY TULFO. Hindi karapat-dapat ang titulong yan’ para sakaniya. Marahil marami sainyo ang kaniyang natulungan pero sa pagkakataong ito, kahit kami ay hindi makapaniwala sa naging hatol niya sa aking ina na ang basehang pinaniniwalaan lamang ay ang kabilang kampo,” resbak ni Kyla.

Buwelta pa ni Kyla, walang karapatan si Tulfo na manghusga sa kanyang ina.

“HINDI PO KAYO ANG HUHUSGA SA PAGKATAONG MAYROON SI GNG. MELITA LIMJUCO. AT LALONG HINDI IKAW MR. RAFFY TULFO ANG MAGDEDESISYON AT HUHUKOM KUNG ANO ANG KARAPAT-DAPAT PARA SA AKING INA,” birada pa ni Kyla.

Ang social media post ni Kyla ay inilathala niya nito lang Nobyembre 20. Ngayon ay umabot na sa lagpas 86,000 ang nagbahagi ng post at umani ng suporta mula sa mga netizens.

Ang naturang episode ng “Raffy Tulfo in Action” ay inulan ng mahigit 300,000 na dislikes sa Youtube.

Sa kanyang programa ay humingi na ng paumanhin si Tulfo sa nangyari at kinausap ang mga complainant na huwag na ituloy ang kanilang hakbang na patanggalan ng lisensiya bilang guro si Ginang Melinda Limjuco.

Source: Kyla Limjuco

Leave a Reply

Theme by Anders Norén