Local News

‘Hindi natin Deserve ang Bastos na Public Servants!’ – Leni

Sa kaniyang programa sa radio, muling bumoladas si Vice President Leni Robredo laban sa mga opisyal ng Duterte Administration.

Magugunita na kumuda si Robredo na pagtuunan ng pansin ng Duterte Government ang covid pandemic effort imbes na magsulong ng propaganda.

Ang patutsada na ito ni Robredo ay sinupalpal ni Presidential Spokesperson Harry Roque. Ayon kay Roque, nasa ika-32 pwesto ang Pilipinas pagdating sa worldwide total covid-19 case count, ika-45 naman sa mga aktibong kaso, at nasa ika-72 naman pagdating sa fatality rate.

“Baka magalit ang World Health Organization dahil sinasabi ninyo nagpapakalat ng propaganda. Hindi po! World Health Organization po ang nagsabi kung nasaan na tayo sa ating COVID response. At ito po ang katotohanan… Bakit namin paniniwalaan ang ibang pag-aaral, eh samantalang lahat tayo nagtitiwala sa World Health Organization sa panahon ng pandemya? Hindi po propaganda ‘yan… At yung ating COVID-19 cases per 1 million population, nasa 134 po tayo–laylayan. At sa case fatality rate, number 72 ang Pilipinas. Hindi po ‘yan propaganda. Katotohanan na dapat tanggapin at pasalamatan ang mga medical frontliners na talaga naman pong ginagawa ang lahat para pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino,” resbak ni Roque.

Para kay Robredo, ang sagot daw ni Roque ay isang uri ng propaganda.

“Lagi naman. Lagi naman. Kaya tayo nagkakaganito eh, kasi walang acceptance ng kakulangan. Pero sa akin lang, kung kailangang magdepensa, magdepensa, pero ‘yung klase ng pagdedepensa, parang ‘yung nakakalungkot, kasi ito na ba ‘yung klase ng public servants natin?… Para sa akin, hindi naman natin dine-deserve na ‘yung mga public servants natin mga bastos, hindi natin dine-deserve na ubod ng yabang… Pati ‘yung pag-respond sa aking puna ay propaganda pa din. Isipin mo, parang pinapalabas nila bine-blame ko daw ‘yung ating health workers. Baligtad iyon… Ayaw kong patulan, pero ano ba naman iyan?… Yung lahat na datos, nandiyan. Buksan lang ‘yung mata. Buksan lang ‘yung mata, na hanapan ito ng solusyon,” boladas ni Robredo.

Source: Inquirer | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén