Local News

‘Hindi Nilalabag ng SOGIE Bill ang aking Pagkababae’ – TV Host Bianca Gonzalez

Naging malaking usapin ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill nitong mga nakaraang araw dahil sa insidente ng diumano’y “diskriminasyon” sa transgender na si Gretchen Diez na pinagbawalang gumamit ng female restroom ng janitress sa isang mall.

Matapos ang insidente kay Gretchen nagkaroon ng pagdinig sa senado tungkol sa panukalang batas.

May ilang personalidad mula sa mundo ng showbiz ang nagpakita ng suporta sa SOGIE Bill. Ilan dito ay sina Heart Evangelista, Izza Calzado, Anne Curtis, Pia Wurtzbach, Vice Ganda at Didong Dantes.

Isa rin na sumusuporta sa naturang panukalang batas ay ang tv host na si Bianca Gonzalez. At kamakailan lang ay nagpahayag ito na hindi raw malalabag ng SOGIE bill ang kanyang pagkababae.

“I am a staright woman, and I believe the SOGIE bill does not in any way hamper my rights as a woman nd human being,”

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa pahayag ni Gonzalez.

“That’s you personal opinion Ms. Bianca. Di lang naman ikaw ang nagccr. Unfortunately, many straight women are still uncomfortable with sharing the bathroom to transgender women and we should respect that. Wag dapat ipilit ang hindi maaari. Matagal na kami nagtitiis, for sure many of the transwomen naka experience nang magcr sa women’s bathroom dati pa without any problem but accepting and toleratbg this kind of action is way over board. Sobra na, tama na.,” sabi ni Theresa F.

“Tumigil kayo..huwag lng kapakanan at pansarili mo lng ms .Bianca Gonzales..isipin mo rin kapwa mo babae..ms.Bianca tanong lng kayo kayo umihi sa cr ng mga lalaki..baka doon ang gusto mo!!o d kaya ikaw ang kasunod ng baklang umihi..gusto mo ba???huwag sarili lamang ang isipin medya pa man kayo at babae din..hwag Bitter!” sabi ni Marilyn T.

” Ms. Bianca kasi you haven’t exposed to the reality and commoners kaya mo nasasabi yan.. try mo mag kayang sa public places di Lang sa Bahay Ni kuya para Alam mo magpakatotoo. I doubt you might crying and rush to your husband for help.,” sabi ni Anne T.

Source: Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: