Local News

“Hindi niyo Inayos Trabaho niyo” Leni, Nagalit!

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nagalit o nag-“fumed” daw si Vice President Leni Robredo sa ilang pahayag na tila minamaliit ang pagkamatay ng 3-anyos na si Myca Ulpina sa police operations. Ayon sa ilang lumabas na ulat, ginamit daw na “human shield” ng durugistang ama si Myca kaya ito napuruhan.

Boladas ni Leni, hindi raw ginawa ng mga otoridad ng maayos ang kanilang trabaho.

“Kapag nawalan ng isang miyembro ng pamilya, irreversible na iyon. Hindi mo puwedeng sabihin na, ‘Eh nangyayari kasi, ang aksidente kasi nangyayari.’ Nangyayari kasi hindi niyo inayos ang trabaho niyo,” patutsada ni Leni.

Hindi rin daw tama na nagiging istatistika na lang ang mga nasasawi sa kampanya kontra-droga ng gobyerno.

“Parang numero lang, talagang nangyayari. Hindi nakikita iyong mukha, iyong dalamhati, iyong pamilyang naiiwan,” banat pa ni Leni.

Kailangan din daw na magising ng mga kababayan natin sa nangyari kay Myca.

“Dapat wake-up call ito sa lahat na ito na iyong huli. Pero kung wala tayong gawin, kahit may nangyari nang ganito, wala tayong gawin, kasalanan na natin iyon,” boladas pa ni Leni.

Sinabi ito ni Robredo bilang reaksyon sa naging pahayag ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na “sh*t happens” sa mga operasyon ng kapulisan.

“Sino ba may gusto, ikaw ba pulis ka gusto mong may batang matamaan? Never, kasi ikaw may anak ka rin. Hindi mo gustong may mangyaring ganun pero sh*t happens during operations,” paliwanag ni Senator Bato.

Nagbigay din ng reaksyon si Leni sa balitang naghain ang Iceland ng isang resolusyon sa United Nations para imbestigahan ang Pilipinas. Dahil dito, inihanay ni Leni ang ating bansa sa mga bansang tulad na Afghanistan at Sudan. Ayon kay Leni, kilala daw ang mga naturang bansa sa paglabag sa mga karapatang pantao. Para kay Leni, nakakahiya din na tila mas may malasakit daw ang ibang bansa sa nangyayari sa Pilipinas.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén