Local News

Hindi Magiba! PDU30, Nakakuha ng 91% na Trust Rating!

Mukhang Puputok na naman ang butsi ng mga galit sa Duterte Administration dahil sa pinakahuling trust rating survey ng Pulse Asia ay nakakuha si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng 91% na antas. Pumangalawa kay Pangulong Duterte si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may gradong 84%. Nasa pangatlong pwesto naman si House Speaker Alan Peter Cayetano na mayroong 70%. Habang si Vice President Leni Robredo ay kulelat at may marka lang na 50%.

Alam naman natin na sa gitna ng pandemiya ay halos puna at batikos ang pinagsasabi ni Robredo laban sa Duterte Government. Kaya sa naging resulta ng survey ay pinaalalahanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang bise presidente na ihinto ang pamumulitika habang ang bansa ay nasa gitna ng krisis.

“Naku, Madam VP, mukhang tama ang aking sinasabi. Ayaw yata ng mga Pilipino na namumulitika sa panahon ng pandemiya.

Subukan nating itigil ang pulitika. Baka po tumaas nang mas mataas sa 50% ang trust rating at mataas pa po sa 57% ang performance rating niyo,” resbak ni Roque.

Nagpasalamat naman si Roque sa naging resulta ng survey.

“Ang pangako talaga ng Presidente, gagawin niya ang lahat para makabangon tayo sa pandemiyang ito at isasantabi talaga niya ang pulitika. Lahat ng Pilipino, supporter niya, kalaban niya, iaahon niya hangga’t maaari sa kahirapan na dinulot ng pandemiya,” sabi ni Roque.

Narito naman ang opinyon ng Manila Bulletin writer na si Krizette Laureta Chu sa naging grado ni Pangulong Duterte.

“Duterte is the only President in the middle of the pandemic that’s getting a 91 percent trust rating.
I hope he gets strength from this. But also let’s not forget to thank his entire team.
Without his arms and legs, nothing would be done.
So thank you everyone, Team Philippines, even Sec Duque. Thank you for doing the best you can under the circumstances.”
sabi ni Chu.

Source: News5 | News5 | Krizette Laureta Chu

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: