Local News

Hindi Pagbabanta at Kasinungalingan Kailangan ng Tao – ABS-CBN’s Nadine Lustre

Sa kanyang social media account, pinatutsadahan ni ABS-CBN star Nadine Lustre ang pamahalaan kaugnay sa pagmamahala sa coronavirus disease 2019 (covid-19) outbreak. Ayon kay Nadine, hindi daw pagbabanta at kasinungalingan ang kailangan ng mga tao. Lumabas din daw ang tunay na itsura ng gobyerno.

“COVID exposed the government for what it realy is. The people need help, compassion (minus Koko) and transparency, not theeats and lies,” sabi ng Kapamilya actress

Kahapon may ilang indibiduwal na nagrally sa Quezon City para iprotesta ang diumano’y kawalan ng ayuda ng kanilang lokal na pamahalaan sa mga residente. GInawa nila ang rally sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine. Ayon sa QC government, ang mga tao ay naimpluwensiyahan at binigyan ng maling impormasyon ng leftis group na KADAMAY para mag-rally.

Ilang oras matapos ang naging rally ay nagsalita si Pangulong Duterte sa publiko. Sa kanyang talumpati, pinagbantaan niya ang mga makakaliwa. Ayon sa Pangulo, uutusan niya ang mga kapulisan na barilin ang mga makakaliwang grupo kung gagawa ng kaguluhan.

“Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation… Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID… Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” warning ni Presidente Duterte sa mga leftist groups.

Source: Philstar | Cosmo | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: