Local News

‘Hindi Pinabayaan ni Presidente Duterte ang Marawi’ – Mayor

Sa kanyang talumpati sa ika-79 Charter Anniversary, hindi nakalimutan banggitin ni Marawi City Mayor Majul Gandamra ang nagawang tulong ng Duterte Administration para sa kanyang syudad na napinsala ng husto matapos kubkubin ng teroristang Maute Group noong 2017.

Tinupad daw ng National Housing Authority (NHA) ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibangon ang Marawi City sa pagkakalugmok.

Ayon sa alkalde, naintindihan nila ang ilang delays sa rehabilitasyon sa kanilang lugar dahil kailangan daw maobserbahan ang mga proseso upang mapanatili ang seguridad ng bawat isa.

“Hindi kami pinabayaan ni President (Rodrigo) Duterte, lahat ng gusto niya pinapaabot sa amin ni NHA Manager Marcelino Escalada, at lahat nga stakeholders kinukonsulta,” sabi ni Gandamra

Kamakailan lang ay pinangunahan ng Marawi City at ng NHA ang pagpapatayo ng 2,000 ng permanent shelters na matatapos sa 2020. Ang mga pabahay ay mapapakinabangan ng 2,000 na pamilya. Itatayo ang mga tirahan sa 39 hektarya ng lupain.

“We are slowly building our lives back. We were never abandoned by government. President Duterte made true his promise to rebuild Marawi,” dagdag pa ni Gandamra

Maliban sa mga pabahay, mayroon din daw flood control project sa gitna mismo ng Marawi, ayon pa sa Alkalde.

Ikinatuwa naman ni Hasmina Dipatuan, opisyal ng Mindanao State University, ang presensiya ng mga kasundaluhan sa kanilang lugar upang magbigay ng seguridad. Ayon sa opisyal, sana ay manatili ang mga militar.

“You can see many housing units here inside the teachers Village here in Marawi, dumarami ang pumupunta dito, makita nya..tingnan nyo ang paligid, iba na ang Marawi ngayon, natutuwa kami dahil may military na, sana huwag na silang kukunin dito sa Marawi… Those saying that Marawi is a ghost city are people not from Marawi, it hurts us, we are here we are not ghosts, we do not understand why they speak in our behalf to tell lies, they should stay and live here, so they will know, we are here,” sabi ni Dipatuan.

Source: Sunstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén