Local News

Hindi Seryoso ang DU30 Govt sa Kampanya Kontra-Droga! Leni, Pinutakan ang Magandang Hangarin ng Administrasyon!

Bumoladas na naman ang bunganga ni Vice president Leni Robredo laban sa magagandang hangarin ng Duterte Administration na sugpuin ang kalakalan ng droga sa Pilipinas.

Ayon kay Robredo, hindi daw seryoso ang gobyerno sa kampanya nito kontra-droga.

“Para sa akin parang hindi sila seryoso… Apparent naman ‘yung pagkukulang. ‘Yung solution hindi madali pero doable. Pero parang ayaw gawin… Kasi ‘yung mga ginagawa hindi natin nakikita ‘yung resolve na talagang to put an end to both our drug problem and corruption in the country,” boladas ni Robredo.

Hindi naman pinalampas ng ilang kababayan natin ang mga patutsada na ito ni Robredo. Ipinaalala ng ilang netizen kay Robredo ang nangyaring pagsuko nglibo-libong drug suspects noong bagong upo pa lang si Pangulong Duterte.

Bukod sa mga sumukong durugista, magugunita na may ilang malalaking personalidad na nasugpo dahil sa mga anti-drug operations ng gobyerno. Isa sa mga big-time drug personalities na nasawata ng pamahalaan ay ang Parojinog Clan.

“Pwede bang mag apply bilang PR MANAGER ni madumb? Walang sense kasi gumagawa ng speech at script niya. 900million ang budget ng OVP pero walang matinong PR team? Lol” – J. Yap

“patawa ang hayp nato…bulag ata…1st week palang ni digong sa pwesto ilang daang libo na ang sumuko..ni kahit sinong nakalipas na presidente di nagawa yun…malamang may amats pa ito.” – C. Raymundo

“Kaumay ka na madam.. wala na bang ibang makabuluhang balita??? Yung positive lang yung hindi nakakabuwisit.. naalibadbaran na ako sa mukha mo… lahat na lang ng media nandun.. puro naman nonsense!” – M. Labalan

“hindi tlga parte ng gobyerno tong lugaw na to.. haaahaah sa susunod kuha nga kayo ng tandem ung suportahan pag ganito vise mu masusuplak mu ehh.. dal dal masyado walang gawa.” – E. Loreña

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén