Local News

Hindi Sinasagot ng Gobyerno ang Twitter ng mga Biktima kaya I Stepped In! – Leni

Sa panayam sa CNN Philippines, sinabi ni Vice President Leni Robredo na kaya siya umentra sa eksena ay dahil hindi daw sinasagot ng pamahalaan ang mga panawagan ng mga apektadong residente sa Twitter.

“10 o’clock in the evening tsaka ko lang nakita ‘yung mga distress calls. And you know what I did was chineck ko kung merong sumasagot from the government doon sa distress calls, wala, walang sumasagot from the government… Hindi ko alam kung hindi ko lang nakita pero nung naghanap ako wala akong nakikitang gumawa noon. And it could have been anyone. Hindi naman kailangan na si Presidente ‘yung sumasagot. Puwede naman any government official… Why was I doing that? Sa sitwasyon na ‘yon napaka halaga na number one, i-acknowledge mo na we heard you, we got your distress call. Number two, help is coming. Number three, we will do all we can to save you,” boladas ni Robredo.

Magugunita na sa kaniyang public address, hindi pinalampas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga pagbibida ni Robredo.

“But before I proceed any further, I would like to just give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied making her incapable of truth. Alam mo ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo — I was here, dito. I was attending a summit — ASEAN Summit ‘yon. So virtual lang palit-palit kami, we were talking sa electronic. Nandito ako noon…. So kung sabihin mo, “Nasaan si Duterte?” Well, Leni Robredo knew, I’m sure, that there was a summit meeting. For her not to know it, it’s a sin for a Vice President to be ignorant about what’s happening in government. And the only way — the only thing that you can say just to reach the — the media is, “Saan si Duterte?” When you knew that I was busy giving my statement of intervention… So huwag ka masyadong porma-porma, hindi mo talaga panahon. Hindi mo pa panahon. Not time to be making a grandstanding… While you were making calls, nagche-check ka pakunwari… Alam mo ‘yung mga military hindi ‘yan maniwala sa iyo because tama sila you are not in the line of authority basta ganun. Wala kang… Times of emergency, ako lang pati ang military. It’s between me and military pagka pulis. Iyan lang sila kami mag-ano… So ‘pag sinabi mo mag-order, you do not… Ano bang gawain mo? Wala, tapos na ‘yan. It has become a fait accompli question for you. You do not give orders on the day of the battle. You go and tell your soldiers to deploy and to take their position so that when the enemy comes, you would be able to respond appropriately,” buwelta ni Pangulong Duterte.

Source: GMA News | Archive | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: