Local News

‘Hindi Solusyon sa Pandemiya ang Pag-Spray ng Pesticide mula sa Eroplano’ Leni, Pinatulan ang Joke ni PRRD!

Kagabi ay binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bise Presidente Leni Robredo dahil sa palagian nitong pagpuna sa covid-19 response ng gobyerno. Sa kanyang pagresbak kay RObredo, nagbiro ito na nag-spray ng pesticide mula sa himpapawid.

“Wala talaga tayong magawa, you do it may masabi sila, you do not do it may masabi si Leni (Robredo) what do you want us to do?… Ang problema kasi nito, ‘yung magsabi we are doing enough, what can we do with the germs that’s flying around?… Etong si Leni kung ano ano pinagsasabi, alam mo Leni kung gusto mo if you really want sprayan natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide galing sa eroplano para p*tay lahat…” buwelta ni Pangulong Duterte.

Ang joke ni Panglong Duterte ay pinatulan naman ni Robredo.

“‘Yung number one (supressing pandemic), hindi maso-solusyunan sa pag-spray ng pesticide sa Manila galing sa eroplano,” kuda ni Robredo.

Hindi tuloy napigilan ng mga kritiko na magsalita laban sa pagiging patola ni Robredo.

“is there a contest for dumbest dilawan? because Leni is submitting an entry every damn day.” sabi ng piskal na si Atty. Darwin Cañete.

“Kung may Saba Queen, may Patola Queen din pala! Katalino talaga!!! ” banat naman ng isa pang abogado na si Atty. Nick Nañgit.

“Aminin na natin—kasalanan din naman ni Rodrigo. Lagi nyang binabahala yung isa. Kaya laging nababahala.
Sinasadya naman nya talaga. Kagabi, sinabihan nya na spray pesticide daw from the air to end Covid-19. Ayan nag breakdown na naman yung isa. Kung ako ang nanay nilang dalawa papaluin ko talaga to si Rodrigo.
Sya yung kapatid mo na laging trinitrigger yung pinaka iyakin, pinaka ma reklamo, sumbungerang engot na kapatid nyo. Tapos tatawa ng pa sikreto habang umaatungal na ng iyak yung kapatid mong nakakairita kasi pabibo tapos feelingera. Yung kapatid mong feeling starring lagi kahit sya yung walang achievement sa school, so dinadaan sa pagsisipsip nalang lahat.” sabi naman ng Manila Bulletin Writer na si Krizette Chu.

Source: Philstar | Fiscal Cañete | Atty. Nangit | Krizette Chu

Leave a Reply

Theme by Anders Norén