Local News

Hindi Terorista ang NPA! Sumusunod sila sa Int’l Law! Joma Sison, Pumutak!

Kumuda si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Joma Sison matapos italaga ng Anti-Terror Council (ATC) ang CPP, New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF) na mga terorista. Ayon sa rebeldeng lider, sumusunod daw sa batas ang CPP. NPA at NDF. Handa rin daw silang makipagdayalogo sa susunod na administrasyon.

“The CPP, NPA and the NDFP are not terrorists because they adhere to the international law on human rights and humanitarian conduct in the civil war… THey are willing to negotiate with a future regime that will reject state teorrorism and seek peace negotiations,” putak ni Joma.

Magugunita na matapos maitalagang terorista ang CPP-NPA-NDFP ay naglabas ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na kautusan i-freeze ang mga bank accounts na konektado sa mga nasabing organisasyon.

“Per ED (Executive Director) (Mel) Racela, the AMLC approved its freeze order against the CPP-NPA and other designated terrorist groups last Dec. 23… The AMLC can already move in the premises at any time after due designation by the ATC,” sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ilan sa mga lagim na ginagawa ng NPA ay panununog ng mga kagamitan ng mga construction firms na hindi pumapayag na magbigay ng pera sa kanila. Ayon sa ilang dating cadre ng NPA, pati ang malalaking telecommunications companies ay nakokotongan din daw ng mga rebeldeng komunista. Aabot daw sa daang-milyon ang nakokolekta ng NPA sa mga ito.

“Ang message ko lang is very clear. Magandang pagkakataon ito upang mag-unite ang buong bayan, ang gobyerno, ang senado, ang kongreso, ang executive and even the judiciary for us to stand against the CPA-NPA-NDF. From a perspective of a former a cadre, ano ang kapabilidad ng CPP-NPA-NDF? They can not overthrow the government but they can make Smart and Globe pay 200 million and more every year, combined. Is that not a threat? They can make 300 to 400 million from the NGO racket and they can make triple A contractor,” sabi ni former NPA cadre Ka Eric.

Source: One News | Senate Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén