Local News

‘Hindi T*nga ang mga Pilipino! Ibigay niyo ang Totoong Prangkisa!’ – Activist Director Joel Lamangan

Sa isang pagkilos para ipakita ang pagsuporta sa ABS-CBN franchise, nagsalita si Direk Joel Lamangan at iginiit na dapat ibigay sa Kapamilya network ang prangkisa na wala daw bahid ng pag-aalinlangan.

“Hindi t*nga ang mga Pilipino. Ano man ang sinasabi nila na pagbibigay ng pagbibigay ng probisyon o pag e-extend ng prangkisa ay kalokohan. Ang dapat ibigay ay ang totoong prangkisa na walang bahid na pag-aalinlangan,” sabi ni Direk Lamangan.

Naniniwala din si Direk Joel na dapat maki-isa ang mga artista sa ibang istasyon.

“Kahit saan kang istasyon dapat ay lumaban ka. Kahit 5, kahit 7, kahit anuman, dapat magkaisa,” dagdag pa ni Direk Lamangan.

Nahaharap ngayon sa matinding suliranin ang prangkisa ng Kapamilya network. Bukod sa malapit na itong mapaso, naghain din si Solicitor General Jose Calida ng quo warrant petition sa Korte Suprema para ibasura ABS-CBN franchise. Nagpunta rin si Atty. Larry Gadon sa Korte SUprema para hilingin na pahintuin ang National Telecommunication COmmission (NTC) na magbigay ng provisional authority sa ABS-CBN.

Magugunita na noong 2018 ay nagsalita si Direk Lamangan laban sa Duterte Administration. Para kasi kay Direk Lamangan ay nanganganib na raw ang ating bansa. Ipinanawagan sa mga Pilipino na iboto angmga taga-oposisyon sa 2019 elections.

“Ako po si Joel Lamangan ng Art Forces of the Philippines. Isang aktor, direktor sa telebisyon, sa tanghalan, at sa pelikula. Napakahirap po pagsamahin ang mga artista pero nagsasama kami ngayon dahil sa isang dakilang layunin. Nanganganib po ang ating bayan. Pinamumunuan ito ng isang rehimen na walang paggpapahalaga sa buhay ng tao. Walang respeto sa saligang batas. Walang respeto sa soberanya. Walang habas po ang pagtaas ng bilihin na sanhi ng ating kahirapan. Kung nais natin matigil po ito, iboto po natin ang oposisyon sa Mayo 2019. Diyan po natin mapapatunayan na tayo ay isang tunay na Pilipino,” boladas ni Lamangan

Source: ABS-CBN | Art Forces of the Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén