Local News

“Hinulaan” lang ang Datos na Ginamit ni Leni, ayon sa PNP

Ilang araw matapos ang press conference ni Vice President Leni Robredo kung saan iwinagayway nito ang kanyang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) report at sinabing palpak ang kampanya kontra-droga ng DUterte Administration, nagsalita ang Philippine National Police (PNP) patungkol sa datos na ginamit ni Robredo sa ulat nito.

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, ang datos na ginamit ni RObredo para sabihin na tatlong toneladang shabu (P25 million) ang nagagamit ng mga durugista kada linggo ay isa lang umanong “wild guess” ng police officials.

“It’s even conservative compared with the estimate of the PDEA… Nobody can really tell, that’s why we just had a discussion to really have an appreciation on how big the problem is,” sabi ni Banac.

Ang sinabi ni PNP spokesman Banac ay tumutugma sa naging pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino.

“Gusto ko ipaliwanag kung bakit mali ‘yung ginawang pag-grado sa amin. Unang-una, may lumabas na datos ang PNP. Sabi nila 156,000 kilos every year ang nagsi-circulate na droga at ginagamit na consumption. Pero nung tinanong ko ang PNP-Drug Enforcement Group na kung saan nanggaling ang statement na iyon. Ang sabi nila sa akin, ‘It’s just a wild assumption’. Hindi official figure iyon. Samantala ibinangga ng vice president ‘yung datos ng PNP sa actual figure,” ani PDEA Chief Aquino.

Matatandaang hindi rin kumbinsido ang ilang opisyal ng local government units sa mga pahayag ni Robredo.

“Unfair naman sa enforcement unit who are putting their life on the line. They are willing…We have to be very careful with this kind of statement because it might demoralize them… This is the only President who came after the drug syndicates confrontationally. You have to give an “A” for the effort. Hindi iyan biro. Ang lalim ng droga ay noong panahon pa ng dekada otsenta lumala. Kung baga sa puno ‘yung ugat ang lalim na. Going after this problem will take quite some time. But with regards to the President’s effort, I think it is more than he achieved,” ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.

“Opinyon niya ‘yan eh. You will only know your impact pag bumaba ka at nakausap mo ang mga tao na nakaramdam na safe and secure na sila ngayon. Sa amin, as far as we are concerned, significant ang improvement. As Mayor of the City of Baguio, I felt it. Hindi statistics ang pagbabatayan mo diyan eh… was talking to [communities in the] grassroots, [at] very significant ang impact sa aming security at safety,” paliwanag naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Source: Philstar | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén