Local News

“Hirap kausap ng Bungol… Maghaharap tayo sa October” Isko, Dineretsa si DU30!

Kung noon ay panay parinig ni Mayor Isko Moreno kay Pangulong Rodrigo Duterte, ngayon ay diniretso niya na ang Presidente. Sa isang pagtitipon sa Arroceros Park, kumuda si Moreno laban sa tugon ng national government sa pandemiya.

“Ang hirap kausap ng bingi. Ang hirap kausap ng bungol. Wala silang idea kasi namumuhay sila sa Disneyland, hindi na sa reality. Namamatay na ang mga tao… Nananawagan ako, Mr. President, tanggalin ‘nyo ‘yung mga taong walang malasakit sa kapwa niya. Ako talaga – magkuwentas klaras tayo. Anyway, kakaharapin ko naman kayo sa Oktubre eh… Pag kayo’y binibigyan ng suggestion, iniisip ‘nyo, pulitika. ‘Di po ito pulitika. Bingi lang ho kayo… Magkikita tayo sa finals. Kung gusto ‘nyo ng pulitika, may panahon kami para sa inyo,” kuda ni Isko.

Kamkailan lang ay binanatan ni Isko ang Duterte Administration tungkol sa pagbili ng face shield. Ayon kay Isko, dapat daw bimili ng gamot tulad ng Tocilizumab at Remdisivir imbes na face shields.

Rumesbak naman si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kuda ng alkalde. Buwelta ni Roque, ang biniling mga face shields ay para sa mga frontliners. Nilinaw din ni Roque na may kakulungan sa global supply ng Tocilizumab at Remdisivir dahilan kaya hindi maangkat ng gobyerno ang mga gamot kahit gustuhin pa ng pamahalaan. Banat pa ni Roque, namumulitika lang si Isko dahil tatakbo ito sa 2022 elections.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: