Local News

“Hiyang-hiya naman ako sayo Drilon at sa Projects ng Partido niyo!” Resbak ng Radio Host sa Senador

Nitong umpisa ng linggo ay lumabas sa mga balita ang pagbatikos ni opposition senator Frank Drilon sa “Build. Build. Build.” projects ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Drilon, palpak at hindi daw pinag-isipan ang mga proyekto ng kasalukuyang administrasyon.

Ang pahayag na ito ni Drilon ay hindi pinalampas ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Sa kanyang interview sa programa ni Erwin TUlfo, tinawag ni Panelo na kabalbalan ang pinagsasabi ni Senator Drilon.

Umalma rin si House Speaker Alan Peter Cayetano sa sinabi ni Drilon. Bnat naman ni Cayetano, fake news na sabihin na palpak ang “Build. Build. Build.”

Hindi rin napigilan ng radio host, Manila Bulletin Columnist at pro-administration blogger na si RJ Nieto (aka Thinking Pinoy) na magpasaring kay Senator Drilon. Sa kanyang social media post, sinabi ni Nieto na hiyang-hiya daw siya kay Drilon at may kalakip na litrato ng “Kayo ang Boss Ko Toilet” project ng Aquino Administration.

Magugunita na nag-viral ang nasabing palikuran dahil kawalan ng divider o “partitions” ng mga toilets. Base sa ilang ulat, ang construction materials para sa proyekto ay nagkakahalaga ng P295.86 million.

Bumanat din kay Drilon ang Manila Bulletin lifestyle writer na si Krizette Laureta Chu. Ipinaalala nito sa kanyang mga tagasubaybay ang flagpole sa Luneta na nagkakahalaga ng milyon-milyon.

“The Aquino administration’s P10 million flagship project—a flagpole. Geddit geddit… KayapakyukaDrilon,” sabi ni Chu.

Matatandaang binatikos ng mga kababayan natin ang halaga ng naturang flagpole. Ayon sa ilang ulat, ang contract prize daw ng proyekto ay P7.8 million.

Source: CNN Philippines | Thinking Pinoy | Krizette Laureta Chu | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén