Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Holdaper, Dedo nang Batuhin ng Tangke ng Gasul! Shop Owner, Pumanaw din!

Nasawi sa insidente ng panghoholdap ang may-ari ng isang tindahan nang barilin siya ng holdaper sa loob mismo ng kanyang estabilisimiyento sa Norzagaray, Bulacan.

Pero hindi pa man nakakalayo ang salarin ay binawian din ito ng buhay nang batuhin siya ng tangke ng gasul ng helper sa tindahan. Tinamaan sa ulo ang suspek at bumagsak.

Kinilala ang biktima na si Melanie Palad. Makikita sa CCTV footage na nagpangbuno muna si Palad at ang holdaper bago ito nabaril ng kawatan.

Agad naman tumulong ang helper sa biktima habang pasan ang tangke ng gasul at hinataw ito sa tumatakas na holdaper. Dito na bumagsak ang suspek sa kalsada.

Kalaunan ay may lumapit na lalaki sa nakabulagtang suspek. Nang makita ito ng helper, naghinala ito kaya binato rin ang lalaki ng gasul. Nakapagpaputok pa ng bariol ang lalaki bago ito kumaripas ng takbo.

Isinasailalim pa rin ng otoridad sa imbestigasyon ang insidente.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginawa ng helper.

“Siguro sobrang bait nung may ari kaya kahit alam niyang ikakapahamak ni helper ang pagtulong binuwus niya parin yung buhay niya makaganti lang sa pagkamatay ng amo niya. Good job po,” sabi ni C. Fajardo.

“big respect sa helper kahit sa huling sandali naging loyal sa kanyang amo kahit s bingit ng kamatayan. at condolence sa kanyang amo,” sabi ni J. Papa.

“Self defense un ginawa nun helper and to the rescue sya, kita nmn sa CCTV so pano sya makukulong dahil sa pagpatay sa holdaper? Sa USA nga u have the right to defend ur property and life at all cost..pag trespassing at hinoldap ka sa loob mismo ng bahay mo, dpat d na rin makakalabas pa ng buhay ang mga gago! Take it at own ur risk ika nga,” sabi ni C. Yalung.

Source: GMA News | FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén