Local News

Hontiveros, Binigyan ng Bagsak na Grado ang SONA ni President Duterte!

Hindi kuntento si Senadora Risa Hontiveros sa naging State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong taon. Kung bibigyan daw niya ng grado ito, lagapak ang ibibigay.

“Tungkol sa West Philippine Sea, parang hindi State of the Nation Address ang napakinggan ko, parang State of China’s affairs in the Philippines. Kung ige-grade ko nga ang SONA ni Presidente, 22 out of 100. ‘Yan ang mga bilang ng mga Pilipinong mangingisda na nabigo siyang ipagtanggol sa kanilang karapatan sa ating sariling karagatan,” boladas ni Hontiveros.

Patutsada pa ng senadora, tila nag-abogado pa raw si Pangulong Duterte para sa Tsina.

Hindi rin bilib si Hontiveros sa anti-corruption campaign ng Duterte Administration.

“Ang kanyang binibidang anti-corruoption record ay hinsdi pwedeng pumalit para sa kanyang pagkukulang na ipagtanggol ang territorial integrity,” banat pa ni Hontiveros.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pinagsasabi ni Hontiveros laban kay Pangulong Duterte.

“Well President Duterte is well-loved by the Filipinos Madam. Thank you sa 86% approval rating nito. Suportado ka po namin tay Digz. Solid hanggang 2022,” sabi ni A. Samonte.

“Dear Sen.Mam Risa
Yong mga Pilipinong mangingisda noon ginipit hinarang ng China sa mga pinag aawagawang territoryo panahon ni Noy2 naipagtanggol niyo ba..?”
sabi ni R. Eli.

“Ang dami mong kuda eh nung amo mo nakaupo Wala Kang say kahit anung problema Ng bansa.dapat sayo magtayo Ng sariling republika tapos Kayo ni Leni Ang pangulo patalinuhan Kayo.” sabi ni L. PeΓ±a.

“Galitin nyu pa ang taong bayan sa mga statements nyu. Baka pati ikaw di makapasok sa susunod na pag takbo mo. Wait mo lang! Hahaha.” sabi ni M. David.

“Madam,. I have a question,. Did your party (LP) really represents and defends the rights of the filipino people? diba majority sa mga pilipino ay ayaw na sa inyo? Na prove na yan ngayong election madam,. So SHUT Up nalang, Let the true defenders of our rights speak for us. You and your cohorts doesn’t have the rights to defend us., Duterte already did it., πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’―πŸ‘ŠπŸΌπŸ’ͺπŸΌπŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌFor all you know.” sabi ni J. Quibilan.

Source: News5 | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén