Local News

Hontiveros, Mangunguna sa Imbestigasyon laban kay Pres. Duterte sa Senado?

“If the President concedes our exclusive fishing rights in the exclusive economic zone to China kami sa Senado we must step up.”

Ganito ang naging pahayag ni opposition senator Risa Hontiveros patungkol sa gagawin niyang pangunguna sa senate investigation laban sa verbal agreement ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Chinese President Xi Jinping.

“I have a standing proposal and I clould re-file a resolution to do a foreign policy audit kay Presidente at sa administrasyon niya. To investigate if indeed we have these pending diplomatic protests against China’s action to us in the West Philippines Sea,” sabi ni Hontiveros.

Naniniwala din si Hontiveros na nagkukulang si Pangulong Duterte patungkol sa isyu sa West Philippines Sea at may karapatan daw ang senado na imbestigahan ito.

“Kami sa senado, bilang treaty-making body, we are within our rights, and it our responsibility to make sure na kung nagkukulang ang executive, as I believe the President is, sa pag enforce sa ruling na iyan, the senate will call his attention,” boladas pa ni Hontiveros.

Magugunita na binigyan ni Hontiveros na bagsak na grado ang 4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte nitong Hulyo 22.

“Kung ige-grade ko nga ang SONA ni Presidente, 22 out of 100,” banat pa ni Hontiveros.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Hontiveros.

“Mag imbestiga ? Verbal agreement ni Pangulong Digong at chinese pres.xi jen feng tungkol sa karapatan mangisda dyan sa wps..Ok sino ang una mong ipapatawag upang umopa sa senate witness stand si Xi jeng feng o di kaya sabay o magkatabi sila ni Digong sa harapan mo upang imbestigahan mo.Aysus …..Epal nakakatawa di uubra yan.2 years and 10 months ka nalang atnasisiguro na ma flush ka rin,” sabi ni J. Sanico.

“Tumigil kna risa sa kunwaring pagmamalasakit mo. Mas alam ni tatay digong ang ginagaaa nya at may tiwala kmi sa knya , ang kanyang ginagawa ay kung ano ang mas makakabuti sa mga pilipino.,” sabi ni J. Dy.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén