Local News

Hontiveros, Nagpasalamat sa mga Nagtiwala sa Kanya: “We did it, mga kasama!”

Lubos ang pasasalamat ni Reelectionist Senator Risa Hontiveros sa aniya’y masang Pilipino na muli siyang pinagtiwalaan. Si Hontiveros ang kaisa-isang oposisyon na nakapuwesto sa “Magic 12” sa Senado nitong nagdaang Mayo 2022 Halalan, na nakakuha ng 15,420,807 kabuuang bilang ng boto.

Ayon sa Facebook page ni Hontiveros, buong puso niya rin umanong tinatanggap ang mga tungkulin at responsibilidad na iaatang sa kanya bilang isang senador.

“We did it, mga kasama! Salamat sa pagbigay ng #R1SAPA na pagkakataong maglingkod! βœŠπŸΌπŸ’œ
I am very proud of the Filipino people for coming out in record numbers and performing our civic duty. Napakalaking karangalan na pinagkatiwalaan akong muli ng masang Pilipino.

Maraming, maraming salamat po sa bagong mandato. Agyamankami unay! Balbaleg ya salamat. Dacal pung salamat! Dios Mabalos! Daghang Salamat. Muchas Gracias. Madamo guid nga salamat. Shukran!”, saad ni Hontiveros sa kanyang social media page.

“Looking back at everything we went through, I cannot help but think that it is almost a miracle that I am standing before you today. But the truth is, I am able to mark this new journey because of the love and hardwork of everyone around me: my family, my staff and campaign team, sa aking partidong Akbayan, my friends, allies, and, of course, all Filipinos dreaming of a better life.
Ito ay isa ring buong pusong pagtanggap sa lahat ng tungkulin at responsibilidad bilang isang mambabatas sa 19th Congress. Makikipagtulungan tayo sa mga dati at bagong makakasama sa Senado upang ipaglalaban ang isang lipunang marangal, makatarungan, at may pagkakapantay-pantay. πŸ™πŸΌ”, dagdag pa ng Senadora.

Sa hiwalay na post, sinabi rin ni Hontiveros na patuloy niya umanong isusulong ang mga pangako niya noong panahon ng eleksyon.

“TULOY ANG LABAN! πŸ’ͺπŸΌπŸ’œ
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng tumaya at nagtiwala sa RISA PA. Isang malaking karangalan na paglilingkuran kong muli ang mamamayang Pilipino.
Tulad ng ipinangako ko noong kampanya, ang laban na ito ay para sa mahihirap, para sa mga manggagawa, para sa mga kababaihan at kabataan, at para sa Pamilyang Pilipino. Hindi ko kayo bibiguin.
Tuloy ang ating kampanya para sa #HealthyBuhay at #Hanapbuhay at sa pagpasa ng mahahalagang batas para sa mamamayan. I look forward to working with everyone.
Mga kasama, hindi iisa ang magiging liwanag natin. Hindi tayo naghahanap ng tila iisang kandilang may sindi sa kawalan.
Bagkus, ituring natin ang bawat isa na mga alitaptap na sama-samang kumukutitap hanggang dumating ang bagong umaga. Let us look after each other.
Walang iwanan. ✊🏼” saad ng Senadora.

Source: Senator Risa Hontiveros Facebook Page, Sen. Risa Hontiveros FB page, Manila Bulletin

Leave a Reply