Local News

Hontiveros, Pwedeng Battle of the Brainless Contestant – Veteran Journalist

Hindi nagustuhan ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza ang sinabi ni Senadora Risa Hontiveros sa pagdinig sa senado ng SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.

Sa naturang hearing, hinalintulad ni Hontiveros ang mga transwomen sa tunay na babae. Ang transwoman ay isang indibiduwal na pinanganak pero itinuturing ang sarili na babae.

“Gusto kolang i-affirm at this point na totoong babae ang mga transwomen. So si miss Naomi, miss Gretchen,” sabi ni Hontiveros.

Ayon kay Sonza, si Hontiveros daw ay maaring maging kalahok sa paligsahan ng mga walang-utak.

“Risa is a classic example of a prospective contestant for the Battle of the Brainless. she said transwomen are real women… para Na rin niyang sinasabing may menstrual cycle iyong mga bakla,” banat ni Sonza.

Sinabi ni Hontiveros na tunay na babae ang mga transwomen, matapos magbigay ng komento si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa posibleng kahinatnan kung sakaling payagan ang mga transwoman na makagamit ng mga palikuran na pambabae. Ikinababahala ni Senator Dela Rosa na baka gamitin ng mga manyak na lalaki ang pagkakataon at magkunwaring transwoman para gumawa ng kabalbalan tulad ng pamboboso o panghahalay.

“Ang sabi ko nga, what if may isang lalaking manyak na mag-pretend na bakla, manilip o mag-exploit… This is not an attack to your group, kundi ine-entertain ko lang ang pahayag ng ibang hindi miyembro ng inyong community, ‘yun totoong babae. Natatakot sila na magkaroon ng ganoong insidente. Paano natin ma-appease ang mga apprehension ng mga straight na babae,” sabi ni Senador Bato.

Naging malaking usapin ang SOGIE Bill at ang karapatan ng mga kababayan nating kabilang LGBT Community matapos ang isnidente ng diumano’y “diskrimnasyon” sa transgender na si Gretchen Diez na pinigilan gumait ng female restroom sa isang mall. Ayon sa ilang ulat, si Hontiveros ang isa sa may-akda ng senate version ng SOGIE Bill.

Source: ANC | CNN Philippines | Jay Sonza

Leave a Reply

Theme by Anders Norén