Local News

House Speaker Cayetano, may Pagtutol sa Franchise Renewal ng ABS-CBN!

Aminado si House Speaker Alan Peter Cayteno na mayroon siyang “personal objections” tungkol sa isyu ng renewal ng prangkisa ng media giant na ABS-CBN. Ang prangkisa ng media company ay mapapaso na sa loob ng apat na buwan, Marso 30, 2020.

Ayon sa ilang ulat, hindi prayoridad ng kongreso ngayon ang panukalang batas na magpapalawig sa prangkisa ng Television network.

“People like me, I also have some objections [about the extension]. I’ll tell you, this is my personal [opinion], okay?” sabi ni Cayetano sa kanyang panayam sa ANC.

Paliwanag ni Cayetano, dapat din daw masigurong mayroon pa ring kalayaan sa pamamahayag pero kailangan din daw mapag-usapan ang nangyari noong 2016 elections.

“On one hand I feel that we have to protect the freedom of the press and freedom of expression; on the other hand I feel that there’s certain instances in history, and in the 2016 election, that some sectors or leaders of ABS interfered unjustly… So how do you sort it out? Like right now, we can debate that, and of course, you will stand up for the network but I’d rather have it in a hearing, straight talk, face to face, and talk about it,” sabi ni Cayetano sa kanyang panayam sa ANC.

Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte na na hindi pinalabas ng ABS-CBN ang kanyang campaign advertisements pero tinanggap daw ang perang binayad niya. Mayroon ding isyu kung saan nagpalabas si former senator Antonio Trillanes ng anti-Duterte advertisement sa ABS-CBN kung saan mga bata ang nagsasalita laban kay noo’y Davao City Mayor Duterte.

“Akala mo itong ABS ang franchise will be due pero di na kailangan ng extension because it has been there for about 25 years. Sabi ng batas OK na only if you adhere to journalistic [standards]. Pero ang ginagawa ninyo sa amin — estafa, swindling, not only me but Chiz Escudero… So I will file a complaint. Congress, no need to renew it… If you operate, ABS-CBN, tapos manloloko lang kayo ng tao, mag-swindling kayo, I have to stop you,” pahayag ni Pangulong Duterte noong 2017.

Source: Inquirer | Business World

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: