Local News

‘Hoy Gising! Kahit Walang ABS-CBN Franchise, Nagseserbisyo Kami!’ Actor Enchong Dee, Pumutak laban kay PDU30!

Kagabi ay nagbigay na ng mhiwagang mensahe si Pangulong Rodrigo ROa DUterte sa mga nagbabalak na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ayon sa Presidente, kahit pagkalooban pa raw ito ng prangkisa ay hindi niya ito papayagang makapag-operate.

“Now ito ngayon sa last. Itong nangyari sa itong mga Lopez of Companies. Ang Congress is planning to restore the franchise of the Lopez. Wala akong problema doon kung i-restore ninyo. But if you say that if they can operate kung may — may ano na sila, no, I will not allow them.

I will not allow the NTC to grant them the permit to operate. Kung ibigay ninyo ‘yung franchise because it is within your power to do it, go ahead. Alam mo bakit? Unless and until mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will not — I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate. Kalokohan ‘yan.

Parang binigyan mo sila ng prize for their being — for committing criminal acts. Iyong — ito ‘yung pinagbili ng ano, pinagbili ng Lopez iyong Lopez of Companies kasi maraming utang. So binili nila na lahat — pati ‘yung mga utang, pinagbili ng Lopez doon sa DBP.” sabi ni Pangulong Duterte.

Hindi naman nagustuhan ng aktor na si Enchiong Dee ang sinabi ni Pangulong Duterte. Putak ni Dee, gumising na raw dapat si Pangulong Duterte. Pinagmalaki pa ng aktor na nakakapagbigay daw sila ng serbisyo.

“Andyan ka pa rin?? Hoy Gising! Ang daming Pilipinong naghihirap ngayon, ‘yun muna unahin natin… kahit wala kaming franchise, nakakapagbigay serbisyo kami,” boladas ni Dee.

Source: News5 | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén