Local News

HULICAM! Kagawad na Lasing, Nanampal ng Residente! Trespassing pa!

Kumakalat ngayon ang video ng pananakit na kagawad sa isang lalaki sa Sta. Maria, Paco, Maynila. Nakilala ang kagawad sa pangalang Willy.

Ayon sa uploader ng video na si Mags Paglalunan, sarado na raw ang kanilang tindahan nang bigla na lang daw nambastos ang kadawad at nanampal pa. Ayon pa kay Paglalunan, mukhang nakainom din daw ang opisyal ng barangay.

“Pa share naman tong kagawad na nato dito sa sta. maria paco manila yang naka salamin na yan si kagawad willy naka sarado na kase ang tindahan namin ang mga tao na nasa loob ay ang anak ko at ang kanyang kinakasama bigla na lamang niyang binastos ang anak ko at sinampal niya ang katulong namin sa bahay
grabe ka nakainom kana trespassing kapa tapos makapag mura ka kala mo hindi tao kausap mo… sana maaksyonan na agad to lalo na’t kagawad namin dito yan,”
sabi ni Paglalunan.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa lagpas 40,000 ang shares ng video at uman na rin ng libo-libong komento mula sa mga netizens.

Narito pa ang kuha ng insidente sa CCTV.

Source: Mags Paglalunan

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: