Local News

Human Rights, Umangal sa Plano ni DU30 na Harangin ang ABS-CBN Franchise Renewal!

Umalma ang Human Rights Watch (HRW) Asia Division Researcher na si Carlos Conde sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin ang franchise renewal ng media giant na ABS-CBN.

Para kay Conde, hindi tama ang paggamit ni Pangulong Duterte sa regulatory powers ng pamahalaan.

“But perhaps the real reason for these threats is ABS-CBN’s critical reporting of Duterte, particularly his murderous ‘war on drugs.’ The network has aired and published award-winning reports on the extrajudicial killings of thousands of suspected drug dealers and users by the police,” sabi ni Conde.

Boladas pa ni Conde, dapat daw kontrahin ng kongreso ang balak ng mapaghiganting Pangulo na pigilan ang ABS-CBN franchise renewal.

“These actions are part of a broader crackdown on media outlets and civil society groups that dare criticize him. Philippine congress members should resist the president’s effort to shut down ABS-CBN. Appeasing a vindictive president who is hell-bent on frustrating accountability for his policies will have far-reaching implications for media freedom, human rights, and democracy in the Philippines,” patutsada pa ni Conde.

Nitong panimula ng Disyembre ay muling nagbanta si Pangulong Duterte na titiyakin niya na hindi mabibigyan ng prangkisa ang media outlet.

“Ikaw, ABS-CBN, you’re a mouthpiece of… Ang inyong franchise, mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan, I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out. Ilan kaming mga kandidato na kinuha ninyo ang pera namin but never aired our propaganda. Ako, Chiz Escudero, lahat kami. Pero ‘yung propaganda ni Trillanes portraying children and which was really a prohibited act under the rules of the Election Code in spite of the fact na may TRO na huwag ninyong ipalabas, pinalabas ninyo,” resbak ni Pangulong Duterte.

Sa isang interview, sinabi ni House Speaker Cayetano na mayroon siyang “personal objection” sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Source: Philstar | Inquirer | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén