Local News

“Hustisya ng Diyos ang Sinapit ng ABS-CBN” Pasto Quiboloy, Nasermonan uli si Vice Ganda Matapos ang Kapamilya Network Shutdown

“ANG KAYABANGAN, NAKIKITA NG DIYOS ‘YAN.”

Para kay Pastor Apollo Quiboloy, hustisya mula sa Diyos ang sinapit ng ABS-CBN. Ipinaalala din ng Pastor sa talent ng Kapamilya netowrk na si Vice Ganda ang naging hamon nito sa kanya.

“Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo? Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon. Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo. Meron pang isang kasamahan mo na lalaki, pati ngala-ngala niya, nakita ko sa katatawa, e. Halos mabali ang leeg niya. Iyan ang sinabi ko sa inyo, ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan… Kapag binigyan kayo ng pabor sa buhay, huwag kayong ganoon… O ngayon, nakita mo na, may Diyos sa langit, tapos nakita mo na Siya ang tumitimbang sa lahat ng mga tao dito sa lupa kung ano ang ginagawa nila… Hustisya ang Diyos, Vice Ganda, hustisya… Siguro sa iba, naloloko mo, niloloko mo, pinagtatawanan mo, e, wala naman kinalaman sa Diyos sila… Nakakaligtas ka doon, pero binibilang din ng Diyos ‘yon. Pang-aapi ‘yon… Pagkatapos isinama mo pa ako,” banat ni Pastor Quiboloy.

Magugunita na nagsimula ang alitan nina Pastor Quiboloy at Vice Ganda, noong sinabi ni Pastor QUiboloy na siya ang nagpahinto sa lindol. Sa noon time show ni Vice Ganda, sinabihin nito si QUiboloy na mayabang at himanon pa na pahintuin ang programa ni Coco Martin na “Ang Probinsyano”.

“Kasi yung lahat ng pinagsasabi mo, puro imposible.’Sige nga, Quiboloy, punta ka sa EDSA, pahintuin mo ang traffic. Sige nga, Quiboloy, pahintuin mo ang Probinsyano. Abangan…si Quiboloy lang ang makakapagpahinto sa Probinsyano.’ Nag-prophesize ka, Vice. O ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo. Malinis na ang EDSA. Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo,” banat pa ni Pastor Quiboloy.

Source: PEP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén