Local News

Panoorin: “Huwag Kang Puro Pa-Cute! Giyera ang Pinasok mo” Bato, may Banat kay Leni!

May banat si former Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kay Bise Presidente Leni Robredo ngayo’y kasama na sa kampanya kontra-droga.

Ayon sa kaalyado ni Pangulong Duterte, hindi pwedeng puro pa-cute ang gagawin ni Robredo dahil giyera ang pinasok nito.

“This is war, giyera ito; you have to fight, hindi ka pwedeng pacute-cute dito” banat ni Bato.

Ngayong araw ay tinanggap na ni Robredo ang alok at hamon ni Pangulong Duterte na makibahagi sa anti-drug campaign ng pamahalaan. SAbi pa ni Bato, dapat daw ay maging matatag si Leni at handang lumaban dahil mga sindikato ang babanggain nito.

“Ang sinalihan niya is war on drugs at ang kalaban mo diyan ay mga sira ulo, ang kalaban mo diyan ay malalaking sindikato. So how can you wage a war without fighting? So, she has to fight,” birada pa ni Bato.

Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na isa daw sa mga gusto niyang mangyari kung magiging bahagi siya sa paglaban sa droga ay ang makapagligtas ng buhay.

Pero may paalala sa kanya si Senador Bato na isa sa nanguna ng war on drugs ni Pangulong Duterte noong umpisa pa lang ang kampanya.

“Kung maiwasan ang killings, iwasan. Pero how do you… war na ito eh, kalaban natin eh mga siraulo, kalaban natin mga aramado . Kita mo ‘yung pulis, 120 plus policemen namatay sa war on drugs, so mamatay ba ‘yun kung walang lumalaban, may lumalaban talaga,” dagdag pa ni Senador Bato.

Payo naman ni Senador Bato, dapat tratuhin ni Robredo ang problema sa ipinagbabawal na gamot bilang social problem at hindi pang politika.

“You look at the problem, not as a political problem. ‘Wag mo siyang tignan na politika itong problema na ito, tignaan mo talaga ito as a social problem,” ani Senador Bato.

Source: Inquirer | Ang Malayang Pilipino

Leave a Reply

Theme by Anders Norén