Local News

“Huwag Niyo Pong I-send sa Akin ang Picture ng Pwet Niyo”- Mayor Vico Sotto

“Ang dami ko na pong iniisip, wag niyo na po idagdag ‘yung puwet ninyo sa iniisip ko,”

Ganito ang naging pakiusap ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang mga nasasakupan bilang paalala umano sa mga ito na huwag na siyang padalhan ng mga larawan ng pribadong bahagi ng kanilang katawan habang tumatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon pa sa Alkalde, may mangilan-ngilan na umanong nagpadala ng larawan ng kanilang pwet sa kanya habang binabakunahan.

“Minsan may nagpapadala sa akin- dalawa na ata- picture nila, binabakunahan sa puwet. Ngayon, okay lang naman mabakunahan sa puwet. Normal ‘yan, medikal naman ang usapan pero pakiusap huwag niyo na po i-send sa akin,” saad ni Sotto.

Paliwanag naman ni Sotto, minsan daw kasi ay may mga bawal magpaturok sa braso lalo na kung mayroong tattoo ang mga ito at hindi pwede sa nasabing site ang naturang injection.

“‘Pag sa braso, okay lang, i-send niyo sakin,” dagdag pa ng Alkalde.

Matatandaang noong nakaraang Enero ay inanunsiyo ni Sotto na 70% ng mga Pasigeños o tinatatayang nasa 700,000 ng mga mamamayan ng siyudad na boluntaryong magpapabakuna ang kanilang target, depende sa validation nito sa listahan. Katumbas ito ng tinatayang kabuuang 5,600 doses ng bakuna kada araw.

“Nasa sa akin responsibilidad na i-ramp up yung information education campaign na ligtas ito basta naaprubahan ng FDA, ng DOH, ng national ang mga bakuna, ligtas at mabisa po ito,” saad ni Sotto.

Samantala, nauna na ring binigyang-diin ng Alkalde na ang pagpapabakuna ay boluntaryo at hindi dapat mabahala ang ilan na hindi pa handang magpabakuna.

“Sa mga nag-aalinlangan pa, naiintindihan din po namin. Huwag po kayo mag-alala hindi po ito sapilitan, ‘Wag din natin i-judge ‘yung mga health care workers na ayaw pa o natatakot pa,” dagdag pa ni Sotto.

Source:
ABS-CBN News
ABS-CBN News
ABS-CBN News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén