Local News

‘I can’t understand why I gave ABS-CBN my service, love, loyalty’ Former Reporter Weng Hidalgo – 2010 Interview

Kasabay ng balita na paghain ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition laban sa prangkisa ng ABS-CBN, ilang kilalang artista ng nasabing network ang nagsalita para ipagtanggol ang kumpanyang kanilang pinagtatrabahuan at para ipanawagan ang pagpapalawig ng prangkisa nito.

Ang hakbang ng mga sikat na personalidad sa ABS-CBN ay hindi nagustuhan ng ilang dating manggagawa ng ABS-CBN. Ayon sa mga dating manggagawa ng media outlet, dapat nga daw nakapaghanda ang mga empleyado ng network dahil matagal ng nakaamba ang pagkapaso ng prangkisa ng kumpanya. Banat pa nila, sila nga daw ay biglaang tinanggal ng ABS-CBN.

Hindi lang pala maliliit na manggagawa ang nagkaroon ng problema sa ABS-CBN. Sa artikulo na inilathala ng media organization na Bulatlat noong 2010, lumabas na pati ang dating reporter na si Weng Hidalgo ay nakatim din ng hindi magandang karanasan sa ABS-CBN. Ayon sa ulat ng Bulatlat, 16 taon daw nagtrabaho si Hidalgo sa naturang kumpanya pero kinonsidera lang daw itong isang contractual employee.

“I cannot understand why… I gave ABS-CBN my service, love, loyalty,” sabi ni Hidalgo.

Matapos daw mapaso ang kontrata ni Hidalgo sa ABS-CBN ay “inalok” ito ng ABS-CBN ng “regularization package” pero hindi daw kinilala ang 16-taon na serbisyo niya sa kumpanya. Sa naturang “regularization package” makakatanggap lang daw si Hidalgo ng sahod na katumbas sa baguhang reporter. Gusto din daw ng ABS-CBN na huwag ituloy ni Hidalgo ang labor case nito laban sa media company.

“How could I accept that?” ani Hidalgo.

Sinabi ni Hidalgo sa Bulatlat na payag na sana siyang huwag habulin ang mga backwages at retroactive benefits basta kilalanin lang ang 16-taon niyang serbisyo sa ABS-CBN. Pero trinato daw siya na tila pribilehiyo pa raw niya ang makapagtrabaho sa media giant.

Si Hidalgo ang kabilang na ngayon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO). Siya ay nagsisilbi bilang Head of Osec Media.

Kamakailan lang ay humarap sa kongreso ang ilang dating manggagawa ng ABS-CBN upang ilahad ang kanilang naging karanasan habang nagtatrabaho sa kumpanya.

Source: Bulatlat | Bulatlat | Archive | Archive | Banat by | Banat by | John Paul Panizales | Chris Mendoza

Leave a Reply

Theme by Anders Norén