Local News

Mga Intsik na may Coronavirus, I-Confine sana sa Kwarto ni Digong – Father Mark

Naging isang malaking isyu sa Pilipinas nitong nagdaang mga araw ang China at ang novel coronavirus (nCov). Labis ang naging pangamba ng mga kababayan natin nang pumutok ang balita na marami na ang nasasawi sa naturang sakit at patuloy pa ang pagkalat nito.

Sa Katunayan, umabot na sa labas ng China ang sakit at pumalo na sa libo-libo ang kumpirmadong kaso. Ito ang dahilan kung bakit dineklara na ng World Health Organization ang nCov outbreak na isang “global emergency”.

Kamakailan lang ay kinumpirma na rin ng Department of Health (DOH) na may isang 38-a nyos na babaeng Tsino na nagkaroon ng coronavirus at namamalagi ngayong sa San Lazaro Hospital sa Maynila upang obserbahan at malapatan ng kaukulang lunas. Ito ang dahilang kung bakit may ilan sa mga kababayan natin ay ilag na rin sa mga Chinese nationals na bumibisita sa Pilipinas. Pinagsusupetsahan ng ilang Pilipino na may sakit ang karamihan ng galing sa Tsina.

Gumawa na ri ng kaukulang hakbang ang pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng nCoV sa Pilipinas. Sumang-ayon na kahapon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magsagawa ng temporary travel ban sa mga biyahero na magmumula sa Wuhan City at Hubei province, ang mga lugar na pinaniniwalaang pinaggalingan ng coronavirus.

Ngayon isang pari naman ang bumanat tungkol sa isyu. Sa social media post ng Alagad ng Simbahan na si Fr. Eric Mark Sarmiento Salamat, Sinabi nito na sana ay pwedeng i-confine ang mga Tsinong positibo sa nCOv sa kwarto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte o di kaya ay sa silid ni Senador Bong Go.

“May 2 places lang sana na pwedeng i-confine ang mga Intsik na nasa Pinas na positive sa corona virus:

1. Sa kwarto ni Pres. Digong

2. Sa kwarto ni Sen. Bong Go…

Tapos magkwentuhan sila dun ng mga chekwang fairy tales.” sabi ni Father Mark.

(Update Feb 1, 2020, 4:00 pm) Binura na ni Father Mark ang kanyang social media post.

Source: Fr. Eric Mark Sarmiento Salamat | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén