Local News

“I-impeach niyo ako? Ikukulong ko kayo!” DU30, Rumesbak sa mga Kritiko!

“Subukan mo. Kung lalaki kayo at matapang, may b*y*g, do it. ‘T*ng *n*.”

Hindi nagpatinag si pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko niya na nagbabanta na ipapa-impeach siya. Sa kanyang.

“I-impeach ako? Kulungin ko silang lahat. Subukan niyo. Try to take it, do it, and I will do it,” resbak ng Pangulo.

Ayon sa Presidente, sa kangkungan daw pupulutin ang magbabalak at hinamon pa ang mga ito.

“Takot-takutin niyo ako ng impeachment, p— in-, subukan niyo. Sabi ni Erap, sa kangkungan kayo pupulutin, dito sa akin subukan niyo,” buwelta pa ng Pangulo.

Sa panayam kaninang umaga sa dating Department of Foreign Affairs secretary ni ex-Presidnet Noynoy Aquino na si Albert Del Rosario, sinabi nito na maaaring ma-impeached si Pangulong Duterte kung mabibigo ito na maprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas.

“To be able to violate that is really a basis for impeachment of the president. He can be impeached,” sabi ni Del Rosario.

Kamakailan lang ay nagbigay ng pahayag ang director ng University of the Philippines (UP) Institute p[ara sa Maritime Affairs and Law of the Sea na si Jay Batongbacal na maaring maharap sa impeachment si Presidente Duterte.

“Kung mangyari po iyun, i-implement nila iyan dahil sa statement ng Pangulo, pwede po siyang kasuhan ng impeachment,” sabi ni Batongbacal.

Sa hiwalay naman na isyu, magugunita na inudyukan ni outgoing senator Antonio Trillanes ang mga miyembro ng KAPA na maghain ng impeachment laban kay Presidente Duterte.

“Para sa mga lider at miyembro ng Kapa, mag-file ng kasong impeachment laban kay Duterte for culpable violation of the Constitution (i.e. Art. II, Sec. 6) dahil sa pagbalewala nito sa kanilang religious freedom,” sabi ni Trillanes sa isang press statement.

Source: ABS-CBN News | Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén