Local News

Panoorin: ‘I Still Believe in Faeldon. Matinong Tao iyan’ – DU30

Ilang araw matapos niyang tanggalin si Captain Nicanor Faeldon bilang Director General ng Bureau of Corrections (BuCor), sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang talumpati na naniniwala pa rin siya kay Faeldon.

“Faeldon tarong na nga tawo [He is an upright person]. I still believe in him,” sabi ni Pangulong Duterte.

Ipinaalala niya rin ang pag-uulat na ginawa ni Faeldon patungkol sa mga pekeng cigarette stamps ng Mighty Corporation noong 2017 na naging daan para magbayad ang kumpanya ng bilyon-bilyong buwis sa gobyerno.

“We earned P37 billion (in taxes) because of that report by Faeldon,” paliwanag ng Presidente.

Si Faeldon ay tinanggal ni Pangulong Duterte sa BuCor matapos pumutok ang balita tungkol sa mga libo-libong heinous crime convicts na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ilan sa mga presong nakapila para sa pagproseso ng GCTA ay si ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez na convicted sa repe-slay case sa University of the Philippines Los BaƱos (UPLB) students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez. Ayon kay Senator Bong Go, initiutos agad ni Pangulong Duterte na huwag palayain si Sanchez noong nalaman daw ng Pangulo na isa si Sanchez na sasailalim sa GCTA.

Nang nakarating kay Faeldon ang impormasyon na tinanggal na siya ni Presidente Duterte sa puwesto ay agad itong nag-impake ng kagamitan at nilisan ang kanyang quarters sa BuCor compound. Ayon kay Faledon, pakumbaba niyang tinatanggap ang naging kautusan ng Presidente at wala siyang hinanakit sa naging hakbang ng Pangulo.

“My commander-in-chief/appointing authority has spoken. I am a marine and a marine does as he is told. I most humbly bow to my commander-in-chief’s order without any hard feelings,” sabi ni Faeldon.

Magugnita na pumirma si Faeldon ng bank waiver para patunayan na wala siyang kinurakot noong panahon niya sa Bureau of Customs (BOC).

Source: GMA News | GMA News| Sunstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén